Rice Talk

rice-talk-icon-questions-just-text-call-or-chat-us

Rice Talk

Questions on Rice? Chat with us!

822
Leave a Reply

avatar
366 Comment threads
456 Thread replies
9 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
215 Comment authors
adminDerek JavelosaPinoy RiceJennifer rodrigoDexter Recent comment authors
  Subscribe  
Notify of
April
Guest
April

Hello po. Bago lang po akong Farmer. Ask ko lang po dahilan kung bat namamatay ang palay pag kakalagay lang ng synthetic na abono tapos biglang bumaha at nababad compare sa hindi pa nalagyan na nabubuhay?

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello April, kung kapapataba po ang palay ay nagiging maberde ay mayabong ang mga dahon at puno. Ito po ang dahilan kaya lumalambot ang palay. Kaya po kung ang palay ay nalubog sa baha mas madali po ang pagkabulok dahil mas malambot ang palay kaya madaling magasgas at magkasugat na ito naman ang pinapasukan ng mga organismo na nagiging dahilan ng pagkasira. Kung ikukumpara po sa palay na wala pang pataba ay mas matigas ang puno at mas matibay. Ito po ay depende rin sa tagal ng pagkababad sa baha.

Terry Juatco
Guest
Terry Juatco

good afternoon Sir ,..may Qusetion lang ako ,..very confusing kasi ang recommendation na nakita ko regarding sa application ng abono ,….ang sabi ay 14 days after transplant ..ang first application …. 19 Days Old ang punla ng i-transplant ,..at kung 14 days After transplant ang first abono ,..meaning 19+14 = 33 days na ang tanim ….ngayon ang tanim ko ay mga 109 Days bago maharvest ,…Ayon sa revomendation ay ang top dress ay 209 days -60 days ,..49 days …. tama po ba ang Suma …after 16 days ng sidedress ay top dress na ..?

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello sir Terry, tama po ang pag compute ninyo, ang pinakamainam po kasi na paglalagay ng topdress ay sa umpisa ng paglilihi ng palay.

Dante de Castro
Guest
Dante de Castro

Good day po! ang RC394 (tubigan 32), 78.4 ang milling recovery, totoo po ba ito?

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello sir Dante, ang NSIC Rc 394 po ay may 72.3 milling recovery ang 78.4% po ay ang brown rice milling recovery, amin pong ipapaalam sa admin po ng pinoyrice para maitama po ito. salamat po sa inyong pagpapa-alala.

Dante de Castro
Guest
Dante de Castro

Ang atanong k po bakit hindi gumawa ng mga variety ng palay na resistance sa mgasakit like tungro? hindi kaya may connivance yan sa multinational chemeical companies? kawawa ang mga farmers natin dependent sa chemical farming

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello sir Dante de Castro, sa ngayun po ay may mga variety na po ginagamit na po sa mga tungro infested area. Ang tungro po kasi ay isang sakit na sanhi ng virus pero wla pa pong lason o gamot sa sakit na ito. Madami naman po ang mga paraan para iwasan ang sakit na ito. Kung sa variety po ay mainam na itanim ang mga ayaw ng mga green leaf hoppers o GLH na nagdadala ng tungro gaya ng Rc2, 4, 10, 74, 120, 196, 212, 214, 216, 222, 224, 226, 238, 250, 262, 272, 274,276,278,290,300,302,332,336,338,340,342,IR65. Ang ilan sa… Read more »

Dante de Castro
Guest
Dante de Castro

Maraming maraming salamat po sa mag info lalo na po sa mga varieties na tolerant sa tungo virus o a little bit resistant sa virus kaya lang po halos lahat ng hybrid varieties ay susceptible sa tungro. anyway salamat po uli

allan roma
Guest
allan roma

good evening po. from nasugbu, batangas po ako. kailangan po naming maglagay ng chicken manure s kalahating ektarya ng palayan pero wala pong available malapit dito s amin. meron po b kayong masa suggest n pwedeng mapagkuhanan? or ibang alternative s chicken manure?

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello sir Allan, hindi po kami familiar sa mga supplier ng chicken manure, pwede naman po kayo gumamit ng mga composted organic materials. May mga nagtitinda naman po usually sa mga agrisupplies or makipag ugnayan po kayo sa inyong local DA office.

Anthony S Gelera
Guest
Anthony S Gelera

GOOD Day PO, ask ko lang kung saan ako pwede bumili ng RC120(matatag) location ko po NUEVA VALENCIA, Province of Guimaras.

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Gud day sir Anthony, so far ay wla pa pong available na Rc120 dito sa PhilRice. Pero pwede po kayong bumili ng any available na binhing registered seeds at certified seeds. Pwede po ang mode of payment ay thru bank deposits (Landbank or PNB). Kayo po ang magshoulder sa freight cost.

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello sir Anthony, sa ngayun po ay wala kaming available na Matatag 6 o NSIC Rc120.

Clint Gonzales
Guest
Clint Gonzales

Hi, interesado po kami sa rice reaper. magkano po current prize?

Clint Gonzales
Guest
Clint Gonzales

Salamat po. meron po ba kayo alam na nagbebenta aside from Philrice (gov’t or private)?

Romina Ma. Dela Cruz
Guest
Romina Ma. Dela Cruz

Gud am po. ROMINA Dela Cruz po Ilang days po lipat Tanim ng super triple 2? Kailan po dapat mag pataba. Anong pataba bagay. Dito po ako sa Guimba. Nueva Ecija salamat po!

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello po Romina, inirerekomenda po na maglipat tanim sa edad ng punla na 20-25 araw matapos maipunla. Ang pinakamainam na po basehan ng pataba ay ang soil analysis ng inyong lupa. Maaring ding sundin ang recommendation per ektarya kung kulang sa nitrogen,phosphorus, potassium(NPK )ang lupa: 4-5 bags na 14-14-14 at 1-2 bags na 16-20-0 sa ika 10-14 araw matapos maglipat tanim. Gumamit ng leaf color chart para malaman kung kailan mglalagay ng urea. Sa panahon ng paglilihi maglagay ng 0.5 bag ng 0-0-60 at 1-2 bag na urea. Maaari din po kayong magtanong sa PhilRice Text Center sa 0917 111… Read more »

eric
Guest
eric

helo po magkano ang price ng binhing rc18 sa da

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Sir Eric, ang presyo po ng binhi ay depende sa seed class kung registered seeds ay P42.50/kg kung certified seeds ay P34/kg.

Joseph
Guest
Joseph

Hello Sir nag punla po ako ng RC10 variety anu po ang magandang abono para gumanda ang bunga nito?
1. anu ang mga dapat na ibigay na sustansya sa palay?
2. anu ang magndang organic na ibibgay sakanya?

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Sir Joseph, In general, ang pinakamainam na po basehan ng pataba ay ang soil analysis ng inyong lupa. Maaring ding sundin ang recommendation per ektarya kung kulang sa nitrogen,phosphorus, potassium(NPK )ang lupa: 4-5 bags na 14-14-14 at 1-2 bags na 16-20-0 sa ika 10-14 araw matapos maglipat tanim. Gumamit ng leaf color chart para malaman kung kailan mglalagay ng urea. sa panahon ng paglilihi maglagay ng .5 bag ng 0-0-60 at 1-2 bag na urea. Mas mainam din po na maglagay ng organic fertilizers sa lupa bago ang huling pagpapatag o bago magtanim. Maaari din po kayong magtanong sa… Read more »