Paghahanda ng binhing hybrid

in keycheck1 varieties-tagalog

Palaycheck - Variety and seed selection

Pagbabad at pagkukulob ng binhing hybrid
1. Hugasan ang binhi sa timbang may malinis na tubig.
2. Ilagay ang mga nahugasang buto sa sakong pinapasukan ng hangin.
3. Ibabad ng 12-24 oras sa drum o sa lugar na may umaagos na tubig ang binhing nakasako. Kung hindi naibabad sa umaagos na tubig ang mga binhi, palitan ang tubig sa drum kada 6 na oras nang hindi masira ang mga buto sanhi ng fermentation .
4. Pagkatapos ng 24 oras na pagbababad, alisin ang tubig, at kulubin ang mga buto sa loob ng 24 oras o hanggang sa may makitang puting ugat na lumalabas mula sa buto.

Panatilihing mamasa-masa ang mga binhi sa panahon ng pagkukulob upang hindi masobrahan sa init ang mga ito; maaaring hugasan ng malinis na tubig at baliktarin ang mga sako bawat 4-6 na oras.

Paghahanda ng kamang punlaan
1. Habang kinukulob ang mga binhi, maghanda ng 400 aZ? na punlaan para sa isang ektarya. Gumawa ng 20 kamang punlaan na may sukat na may 1 m na lapad at 20 m ang haba. Iangat ng 4 sm ang punlaan.
2. Bago patagin, maglagay ng 5-6 sako ng organikong pataba upang madaling mabunot ang mga punla.

Pagsasabog-tanim ng mga pinasibol na binhi

1. Pagkatapos makulob at maihanda ang punlaan, isabog ang pinasibol na binhi sa dami na 50 gramo o isang dakot bawat metro kwadrado.
2. Panatilihing mamasa-masa lang ang mga binhi para mas mabilis ang pagtubo nito.
Pangangalaga ng kamang punlaan
1. Pagkatapos tumubo ang binhi, itaas ang tubig sa kamang punlaan ng 2-3 sm.
2. Maglagay ng 5-10 gramo ng ammonium phospate (16-20-0) o complete fertilizer (14-14-14) bawat metro kwadrado 7-10 araw pagkatapos magsabog ng binhi.
Paglilipat-tanim ng mga punla
1. Ilipat-tanim ang mga punlang may gulang na 20-25 araw.
2. Magtanim lamang ng 1-2 punla bawat tundos na may distansya na 20 sm x 15 sm kapag tag-araw at 20 sm x 20 sm kapag tag-ulan.
Bumili lagi ng bagong hybrid na binhi upang makamit ang inaasahang dami ng ani.

 

Download Paghahanda ng binhing hybrid

Are you satisfied with the material?
  • Yes (10)
  • No (1)

Previous post:

Next post: