Pagpapatubo ng punla sa pamamagitan ng basang punlaan ( Wetbed Method )

in Keycheck2 Land Preparation-tagalog

Palaycheck - Land Preparation

1. Maghanda ng 400m2 punlaan. Ito ay maaaring:

  • 10 kama na 2 metro x 20 metro bawat isa
  • 20 kama na 1 metro x 20 metro bawat isa
  • 40 kama na 2 metro x 5 metro bawat isa

2. Maglaan ng 40 sentimetro na agwat sa pagitan ng mga kamang punlaan para sa mas madaling pamamahala nito.

3. Itaas ng 4-5 sentimetro ang kamang punlaan.

4. Maglagay ng 5 bag ng organikong pataba.

5. Patagin ang ibabaw ng kamang punlaan para sa pantay-pantay na daloy ng tubig at upang mapadali ang pag-agos nito.

6. Para sa isang ektaryang bukirin, magpunla ng 20-40 kilo sa 400 metro kwadrado na kamang punlaan.

7. Magpunla ng mga buto sa daming 50-100 gramo/metro kwadrado (mga isang dakot). Diligin ang kamang punlaan 2-3 araw pagkatapos magpunla. Unti-unting patubigan ng mga 1-2 sentimetro, depende sa taas ng punla.

8. Regular na bantayan ang kamang punlaan para sa maayos na pamamahala

Download Pagpapatubo ng punla sa pamamagitan ng basang punlaan ( Wetbed Method )

Are you satisfied with the material?
  • Yes (2)
  • No (2)

Previous post:

Next post: