
Isang pamamaraan ng paghahanda ng bukid na hindi inaararo at sinusuyod ang bukirin.
Dahil sa tumataas na gastusin sa paggawa o labor cost, gasolina, pataba, at iba pang gastusin sa bukirin, mainam na gamitin ang sistemang No-Tillage.
Kahalagahan ng Paggamit ng No-Tillage
- Nakatitipid ng gastusin sa paggawa o labor cost na kumakatawan sa 62- 70% kabuuang gastusin sa bukirin.
- Nakakabawas ng gastusin sa paghahanda ng lupa.
- Nakatutugon sa pabagu-bagong panahon o climate change.
- Sagot sa problema ng kakulangan sa tubig
- Nakapagdaragdag ng sustansiya sa lupa dahil sa hindi pagsunog ng dayami.