Paghahanda ng Binhi

in Keycheck3 Crop Establishment-tagalog

Kung inbred na barayti, sapat na ang 20-40 kilo ng mataas na kalidad gaya ng sertipikadong binhi sa isang ektarya. Kung hybrid naman ay sapat na ang 15-20 kilo.

Sa ganitong dami ay mas magiging malulusog at matitibay ang mga puno at ugat ng mga punla dahil hindi mag-aagawan ng sustansya ang mga ito.

Ang lalagyan ng binhi ay dapat:

Malinis upang masiguradong walang halong ibang buto
Matibay upang mababad man sa tubig ay hindi mabubutas
Maluwag upang makasipsip nang sapat na tubig ang mga buto sa loob ng 12-24 oras.
Ibabad sa loob ng 12-21 oras sa malinis na tubig upang maiwasan ang mikrobyo na posibleng pagmulan ng sakit ng palay.
Ang sobrang pagkukulob ay nagiging sanhi ng hindi pagtubo o pagkasira ng butil.
Kulubin sa may maayos na bentilasyon at huwag pagpatung-patungin para makapasok ang hangin at maiwasan ang sobrang pag-init ng binhi. Panatilihing mamasa-masa ang binhi hanggang sa lumabas ang puting laman ng unang ugat.
Isabog agad ang tumubong punla para maiwasan ang pagkumpol-kumpol ng ugat

 

Download Paghahanda ng Binhi

Are you satisfied with the material?
  • Yes (6)
  • No (0)

Previous post:

Next post: