Ano ang Inuling na Ipa o Carbonized Rice Hull (CRH)

in Keycheck5 Nutrient Management-tagalog

Ano ang Inuling na Ipa o Carbonized Rice Hull (CRH)
  • Ang ipa o ang pinakabalat ng butil ng palay, ay karaniwang inaalis kapag ipinakikiskis o ginigiling ang palay upang maging bigas.
  • Ang mga patapong ipa ay maaaring gawing uling para sa ibang kapakinabangan.
  • Taun-taon, umaabot sa 3.1 milyong metrikong toneladang ipa ang nakukuha mula sa 14 na milyong metrikong toneladang palay.

CRH

  • Nagiging carbonized rice hull o CRH ang ipa sa pamamagitan ng di-gaanong pagsunog nito.
  • Ang paglagay ng CRH sa lupa ay kailangan ng lumalaking halaman kahit na kakaunti lamang ang taglay nitong sustansiyang tulad ng phosphorus (P), potassium (K), calcium (Ca), magnesium (Mg), at iba pang mga maliliit na elementong (microelements).
  • Nakatutulong madagdagan ang mga sustansiyang tulad ng nitroheno (N), P at K sa halaman.
  • Dahil sa ito ay sterilized na, wala na itong mga organismong mapaminsala.

Mga Problemang tinutugunan

  • Pagtatapon ng ipa
  • Panganib sa kapaligiran
  • Mataas na halaga ng abono at pestisidyo
  • Mahirap na pagbunot ng punla
  • Maruming tubig
  • Mataas na halaga ng panggatong
  • Pagsama ng kalagayan ng lupang sinasaka

 

Download Pagkolekta ng lupa para sa laboratory soil analysis 

Are you satisfied with the material?
  • Yes (5)
  • No (0)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: