
- Ang Small Farm Reservoir (SFR) ay isang uri ng water harvesting technology o maliit na imbakan ng tubig na kumukulekta ng tubig-ulan.
- Nasa P20,000-30,000 ang karaniwang gastos para sa isang SFR.
- Inirerekomenda ito sa mga sakahang hindi lalampas ng 2 ektarya
Paggawa ng SFR
- Piliin ang uri ng lupa na loam, sandy loam, sandy clay loam, o clay loam para maging imbakan ng tubig.
- Mas mainam gumawa sa patag o nasa 3-8 porsyento ang kiling o slope na lupa.
- Magsukat ng nasa 1,500 metro kwadradong luwang at maghukay ng hindi lalampas sa 5 metro ang lalim.
- Mainam na bulldozer o backhoe ang gamiting panghukay kung higit pa sa isang SFR ang itatayo.
- Maaaring gumamit ng PVC pipes o tubo at bombang de makina para magpatubig.
Benepisyo
- Pansamantalang imbakan ng tubig-ulan. Ito ay magagamit sa panahon na kulang ang patubig lalo na kung tag-araw at sa mga sakahang sahod-ulan.
- Makapagtatanim ng iba pang halaman tulad ng mga gulay at punong-kahoy.
- Nagsisilbing palaisdaan at tampisawan ng mga alagang hayop gaya ng kalabaw at pato.
- Mapangangasiwaan ang malayang pagdaloy ng maraming tubig-ulan patungo sa mga sakahan.
Leave a Reply