Ano ang VAM-VESICULAR ARBUSCULAR MYCORRHIZAE?

in Keycheck7 Pest Management-tagalog

Ano ang VAM-VESICULAR ARBUSCULAR MYCORRHIZAE?

Ang Vesicular Arbuscular Mycorrhizae o VAM ay isang uri ng amag na kumakapit sa ugat ng halaman na siyang tumutulong sa pagsipsip ng tubig at sustansiya sa lupa.

Tinatawag din ito na biofertilizer o patabang hindi nakakasira sa kapaligiran.

Nakatutulong din ang VAM sa pagiwas o pagsugpo ng mga sakit na dulot ng organismong galing sa lupa.

Benepisyong dulot ng VAM

  • Matangkad at malaki ang mga punlang sibuyas.
  • Mas malaki ang laman ng sibuyas.
  • Mas nakakakuha ng sustansiya sa lupa tulad ng phosphorus ang halamang sibuyas.
  • Mas may resistensiya sa sakit tulad ng bukol at damping-off.
  • Pinapanatiling buhaghag ang lupa at mas episyente sa paglalagay ng pataba sa bukid.
  • Nakatitipid ng hanggang 80% sa pataba.

Paggamit ng VAM sa punlaan ng sibuyas

1. Kung gagamit ng VAM, huwag maglagay ng abono sa punlaan bago magpunla.
2. Isabog ng manipis ang VAM soil inoculant sa naihandang punlaan.
3. Takpan ito ng manipis na lupa.
4. Isabog ang buto ng sibuyas sa ibabaw ng punlaan na may VAM.
5. Takpan ng manipis na lupa ang ipinunlang buto.
6. Maaaring hindi na maglagay ng pataba sa punlaang may VAM.
7. Kung kinakailangan, maaaring maglagay ng abono pagkaraan ng 15-20 araw pagkasabog ng buto o pagkatanim.
 

Download Ano ang VAM? 

Are you satisfied with the material?
  • Yes (1)
  • No (0)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: