Golden Apple Snail (GAS) O Kuhol

in Keycheck7 Pest Management-tagalog

Golden Apple Snail (GAS) O Kuhol

Golden Apple Snail:

    • Ang kuhol ay nagmula sa Timog Amerika at dinala sa Pilipinas bilang pandagdag sa pagkain ng mga Filipino na mayroong kakulangan sa protina.
  • Ito ay nawalan ng komersyal na halaga na naging sanhi upang mapabayaan. Ang mga napabayaang GAS ay nakawala, kumalat sa mga daluyan ng tubig at kalaunan ay kumalat din sa mga palayan.
  • Ito ay isa sa pangunahing peste na umaatake sa mga punla ng palay.
  • Makikita ito sa mga palayang matubig o binabaha at umaabot sa 5-10% ang pagkalugi ng aning palay. Malalaman ang pagkalat nito sa palayan kapag may makikitang kulay malarosas na kumpol-kumpol na itlog nito.

Ang isang kumpol ng itlog ay umaabot ng 50-500 na itlog.

Higit n a gustong kainin ng GAS ang murang bahagi ng halaman gamit ang magaspang nilang dila.

Pamamahala sa Golden Apple Snail:

  • Maglagay sa bukid ng mga stick o tulos tulad ng kawayan upang dito mangitlog ang mga kuhol. Sa ganitong paraan, mas madali ang pagkolekta at paninira sa mga ito.
  • Patuyuan ang pinitak upang mapigilan ang kanilang pagkilos at pagkain.
  • Kolektahin, durugin, at ipakain ang mga kuhol sa bibi at baboy o gawing chicharon.
  • Dalhin ang mga alagang pato sa bukid upang kumain ng kuhol kapag ang palay ay may isa hanggang isa’t kalahating buwan na mula pagkatanim
  • Lagyan ng pansala ang mga pasukan at labasan ng tubig para mabawasan ang paglipat ng mga kuhol sa palayan
  • Gumawa rin ng mga maliliit na kanal sa gilid ng pinitak at lagyan ito ng dahon ng gabi, saging o lumang dyaryo dahil ang mga ito ay nakakatawag-pansin sa mga kuhol. Pulutin at durugin ang mga naipong kuhol.
  • Gumamit lamang ng pamatay kuhol kung kinakailangan.

 

Download Golden Apple Snail (GAS) O Kuhol

Are you satisfied with the material?
  • Yes (10)
  • No (0)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: