
Ang sakit na bacterial blight ay madalas sa mga irrigated at rainfed na lugar lalo na sa panahon ng tag-ulan. Naikakalat ito gawa ng hangin, patubig, at ulan mula sa tinamaan ng sakit na halaman at pinaggapasan. Maaring makabawas ito ng 20-50 porsyento ng ani.
Pamamahala ng bacterial blight
1. Gumamit ng mga barayting may laban sa sakit tulad ng NSIC Rc354, Rc356, Rc242, PSB Rc32, Rc34, Rc56, Rc66, Rc78, at BPI RI6, at IR65.
2. Panatilihin ang 2-3 sentimetrong lalim ng tubig sa palayan para mabawasan ang halumigmig sa puno.
3. Tanggalin agad ang palay na tinamaan ng sakit. Huwag ibaon sa palayan dahil maaring mabuhay ang mga bacteria sa tubig at makahawa sa ibang tanim.
4. Iwasang magkaroon ng sira ang ugat at dahon ng mga punla at tanim na maaring pasukan ng semilya ng sakit.
5. Iwasang maglagay ng sobrang pataba lalo na ang nitroheno.
6. Ang paggamit ng kemikal ay hindi ekonomikal at epektibo. Maaring gumamit ng copper-based fungicide na naaayon sa label.
7. Araruhin agad-agad ang mga pinaggapasan at dayami para mawala ang pagmumulan ng sakit sa susunod na taniman. Sundin ang 30 araw na pahinga ng lupa hanggang matuyo ang palayan at mapigilan ang pagdami ng pathogens o semilya ng sakit.
Local name:
nauga nga dahon, nalata nga tanum (Cebuano) nadurot nga tanum (Waray) naggapula (Ilonggo)
Kresek Nalalanta at namamatay ang bagong lipat-tanim na punla.
Leaf Blight Naninilaw ang dulo ng dahon papuntang gilid na hanggang sa matuyo ang buong dahon.
Tandaan:
- Mag-monitor 3-6 na linggo pagkatapos magtanim para malaman kung may sintomas ng sakit.
- Obserbahang mabuti ang mga puno ng palay tuwing umaga bago matuyo ang hamog sa mga dahon. Kapag makakita ng madilaw-dilaw na parang hamog lalo na sa mga dahong may sugat, ebedinsya ito na nabubuo na ang bacteria sa dahon.
- Sundin ang tamang agwat ng tanim.
- Panatilihin ang kalinisan sa paligid, tanggalin ang mga damo upang walang panggalingan ng semilya ng sakit.
- Huwag nang padaluyin ang tubig mula sa mga palayang inatake ng sakit.
Leave a Reply