Bakit mahalaga ang Pagpapatuyo

in Keycheck8 Harvest Management-tagalog

Bakit mahalaga ang Pagpapatuyo

Ang pagpapatuyo ng palay ay ginagawa upang mapababa ang posibilidad o panganib ng pagkabulok na sanhi ng amag, pigilin ang mga pag-atake ng mga insekto, at maiwasan ang pangingitim ng butil dahil sa init na mula sa mataas na porsiyento ng tubig. Maaaring gawin ang pagpapatuyo sa araw o pagpapatuyo gamit ang iba’t-ibang mechanical dryers tulad ng flatbed dryer at iba pa.

Ano ang maaaring mangyari sa mga butil na muling mababasa ng tubig?

Ang mga butil na muling mababasa ay sisipsip ng tubig, na magiging sanhi ng pagkalamat sa loob ng mga butil.

Ang mga may lamat na butil ay madudurog kung ito’y ipapagiling.

Maaaring kumupas ang kulay ng mga butil na muling nabasa at maging manilaw-nilaw dahil sa amag at init.

Maaaring tumubo ang mga butil na nabasa.

Ang mga dilaw na butil ay hindi na babalik sa dating kulay kapag giniling at maaari lamang matanggal sa paggamit ng makinang naghihiwalay ng butil na may ibang kulay o color sorter.

Epekto ng Wasto at Hindi Wastong Pagpapatuyo

WASTONG PAGPAPATUYO
Nagpapahaba sa panahong itatagal ng butil sa imbakan.
Nagpapababa sa dami ng mga nasasayang na butil.
Pumipigil sa pagbaba ng kalidad ng mga butil.
Nagpapataas sa dami o porsyento ng magiging bigas.

HINDI WASTONG PAGPAPATUYO
Maaaring magresulta sa mataas na bilang ng mga may lamat na butil.
Ang pagpapatuyo ng matagal sa mataas na temperatura ay nag-aalis sa bango o aroma ng mga mababangong barayti ng bigas.
Ang mataas na temperatura (70-80o C) kasama ang mga basang butil ng palay (lampas sa 26% na tubig) ay maaaring maging sanhi ng paninilaw at hindi natural na pagkalaon ng butil.
 

Download Bakit mahalaga ang Pagpapatuyo

Are you satisfied with the material?
  • Yes (0)
  • No (1)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: