Pagpapatuyo ng palay sa araw

in Keycheck8 Harvest Management-tagalog

Pagpapatuyo ng palay sa araw

Mga dapat na isaalang-alang sa pagpapatuyo ng palay sa araw:

  • Linisin ang pagbibilaran upang maiwasang marumihan ang mga butil.
  • Ikalat ang mga butil sa kapal na 2-4 sentimetro upang mapadali ang paghahalo at maiwasan ang hindi pantay na pagkatuyo.
  • Regular na haluin ang mga butil tuwing ika-30 minuto upang maging pantay-pantay ang pagkatuyo ng palay.
  • Gumamit ng bilarang net, tela, o banig kung ang palay ay gagamiting binhing pananim.
  • Kapag panahon ng tag-ulan, maghanda ng pantakip na yari sa plastik upang hindi mabasa ang mga butil sa biglaang pagulan.

Mga nakabubuting naidudulot ng mekanikal na pagpapatuyo:

  • Makasisiguro sa kalidad ng inaning mga butil dahil mababawasan ang mga pinsalang dala ng panahon gaya ng nangyayari sa pagpapatuyo sa araw.
  • Nagpapababa ng porsiyento ng mga nasasayang na butil sa pagaani, gaya ng pagkalamat ng butil, pagkatapon, at mga nadurog na butil.
  • Nagpapababa sa pagdepende sa kalagayan ng panahon para magani.

Mga iba’t-ibang uri ng mekanikal na patuyuan:

  • Flatbed Dryer – Ang palay ay manu-manong ikinakarga at tinatanggal pagkatapos matuyo. Ito ay may tatlong pangunahing bahagi – ang lalagyang patuyuan na pinaglalagyan ng mga butil; ang blower at makina na nagpapahangin sa nakalatag na mga butil; at ang pugon o apuyan na nagpapainit sa hanging pantuyo.
  • Reversible-Airflow Flatbed Dryer – Gamit ito, madaling kontrolin ang temperatura at hindi na kailangang haluin ang palay. Ang pagpapatuyo ay mabilis, halos 1% ang nababawas sa moisture content kada salang.
  • Batch Recirculating Dryer – Ang bawat kargang palay ay tuluy-tuloy na umiikot sa loob ng patuyuan sa buong panahon ng proseso ng pagpapatuyo. Ang ganitong tipo ng patuyuan ay gumagamit ng temperaturang mula 40ºC hanngang 80ºC depende sa pang-unang dami ng tubig na taglay.
  • Continuous Flow Dryer – Ang patuyuan na ito ay kahalintulad ng batch recirculating na tipo ng patuyuan ngunit ito ay may hatihating plenum chamber at tempering bin na siyang pinagpapalamigan ng butil bago uli isalang sa mainit na hangin.

 

Download Pagpapatuyo ng palay sa araw

Are you satisfied with the material?
  • Yes (25)
  • No (7)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: