1. Patubigan ang bukirin upang maging mamasa-masa para sa pagsibol ng mga buto ng damo at nalaglag na binhing palay.
2. Mag-spray ng herbicide (glyphosate) o pamatay damo sa mga damo at pasyok o pinaggapasan.
3. Ikalat ang mga dayami 1-2 araw pagkatapos mag-spray.
4. Makalipas ang 3-4 araw na pag-isprey ng herbicide, patubigan ang pinitak ng hindi bababa sa 2-3 sentimetro.
5. Makalipas ang 5-6 araw na pagpapatubig, idapa ang pinaggapasan gamit ang paggulong na hinihila ng kalabaw o hand tractor leveler.
6. Ulitin ang pagdadapa ng pinaggapasan 5-6 araw pagkatapos ng unang pagdadapa.
Sa paggamit ng Sistemang No-Tillage, ang paghahanda ng lupa ay umaabot lamang sa 15 araw kumpara sa dating kinagawiang paghahanda ng lupa na inararo, sinuyod, at pagpapantay na umaabot sa 21 araw.

