Rice Talk

rice-talk-icon-questions-just-text-call-or-chat-us

Rice Talk

Questions on Rice? Chat with us!

906
Leave a Reply

avatar
396 Comment threads
510 Thread replies
13 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
243 Comment authors
Pinoy RiceJoyLourdesBeloiBrian Recent comment authors
  Subscribe  
Notify of
roland garcia
Guest

hello po maraming salamat po sa respond nyo . ask ko lang po sapaglaki ng palay bago po anihin 3 times po ako magaaply ng pataba?sa unang abono 14 18 days ,pagsusuwi at pag lilihi.kapupunla ko po lamang na aking bigante hindi po ba ako delekado sa ulanan upland po yun at di gasinong binabaha.salamat po

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello sir roland, in general po ay nasa 2 beses lang nglalagay ng pataba, since ang variety po ninyo ay 118 days nasa medium maturing po ito, maari po kayong mag-3 beses maglagay ng pataba. Una po ay 10-14 days after transplanting(DAT), next po sa 26-30 DAT then sa paglilihi. Actually ang mga hybrid po ay inirerekomenda sa irrigated area at sa taga araw, kung may mga kasabay naman po kayo at may supplemental na patubig ay pwede naman.Pwede rin po kayong magtext sa PhilRice Text Center sa 09209111398.

randy donato
Guest

Anong sakit ang karaniwang bakukuha ng upland traditional variety tulad ng iniput ibon

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Sir Randy ang karaniwang sakit sa upland rice ecosystem ay ang Rice blast and Bacterial Leaf streak.

roland garcia
Guest

hello po ngayon lang po ako susubok magtanim ng hybrid rice at kaunti po ang alam ko sa ganitong binhi.sa isang ektarya po ay sumubok ako ng rc10.ilang days po ba ito bago anihin?at doon po sa 3 ektarya ay bigante po parehas lang po ba ang bilang ng araw nito bago anihin.at sa pag aply po ng abono gaano po kadami ng abono 14-14-14 sa isang ektaya 50kg/sack sa unang pag abono (18 days) po?pwede po ba na maghalo halimbawa 14-14-14 at 16-20-0 o 46-0-0 gaano ang tamang dami nito /ektarya? rc10 po atbigante angvariety ko salamat po..

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Sir Ronald, ang PSB Rc10 ay 106 days at ang Bigante ay 118 days ang maturity. Maari naman pong idelay muna ng 12 days ang pagpupunla ng Rc10 pra eventually ay sasabay sa pag-aani ng Bigante. Ang pinakamainam na basehan ng pataba ay ang soil analysis ng lupa. Maaari pong sundin ang Gen recommendation per ha kung kulang ang lupa sa NPK: sa 10-14 DAT,apply 4 sako 14-14-14-12S at 1-2 sako 16-20-0. From 21 DAT,use leaf color chart to monitor kung kailan maglalagay ng Urea, Sa panahon ng paglilihi ay maglagay ng 0.5 bag ng 0-0-60 at 1-2 bag… Read more »

ritchie
Guest

Available na po ba ang super green rice variety? san at ppaano po tau maka avail protocol pagtanim nyan. Salamat Po

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Sir Ritchie; ang mga green super rice po ay hindi pa approved variety,kaya hndi pa sila available. Ang pagtatanim naman po nito ay parehas lang ng sa karaniwang variety ng palay.

Roberto Juarana Jr.
Guest

Drought tolerant varieties

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Sir Roberto, ang NSIC Rc192 po ang variety na Drought Tolerant. Pwede din kayong magtanim ng mga early maturing at matibay sa tagtuyot na rice varieties gaya ng Rc10,14,134,222,68,80,9,272,274,276,278,280,282,284,286,288,346 at Rc348.

Mark
Guest

Hi, I would like to ask if how many percent of rice production in the philippines are being wasted through the process of drying?
How about in the process of sun drying, how many percent are of rice that go through that process are being deteriorated?

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello sir Mark, base on the PhilMech study, the drying accounts 5.86% losses, however if the drying is in pavement or road the losses ranging from 5-10 %.

Mario
Guest

Good PM. Ano pong pwede kung gawin sa palay ko na may tungro or namumula at namamatay ang mga dahon 40 DAT na siya na sprayhan na ng zinc metalate nalagyan ko din ng zinc sulfate na sprayhan ko na din ng anvil 5sc fungicide pero mayroon pa rin sakit hanggang ngayun. Basa yung lugar at 3rd crop ito. Thank you

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Sir Mario ang tungro po kasi ay cause ng virus, so far ay wala pang gamot para dito. kung ang palay ay bata pa at tinamaan ng tungro mahirap na po itong gamutin, kailangan bunutin na agad kung paisa isa palang para wlang source ng virus.During reproductive stage lang po kasi tolerable na ng palay ang virus.Yun din po kasi ang crucial sa hndi sabayan ang tanim o kaya naman ay ng-3rd cropping dahil hndi napuputol ang inog ng buhay ng mga peste na ngdadala ng virus.Mainam po sa susunod ay magtanim kayo ng mga variety na maytibay sa… Read more »

Teteng Santos
Guest

According to my worker farmer, our Bigante palay was infested by stemborer and estimated that 25% of harvest is lost. How did this happen and how can it be prevented? Thanks much.

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello sir Teteng,depending on the crop stage where the crop can recover in stemborer damage.During vegetative stage the crop can still recover by emerging new tillers or leaves. Although if the whiteheads are already incurred the damaged is irreversible.Even here in Nueva Ecija sir are experiencing stemborer damaged, although those tillers that are died the nutrients can be diverted to other so they compensate the damaged by more filled grains.

Al Jareau D. Ladiero
Guest

early maturing variety

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Sir Al, ang mga Early maturing varieties (<110 days ang maturity)ex:PSB Rc4,8,12,14,10,82, NSIC Rc23,118,120,130,134,140,144,146,148,152,154,192,220,238,242.Para malaman ang katangian ng isang variety, itext lang ang Rc+# ng barayti,example: Rc238,at isend sa 09209111398,dapat 1 text/variety lang para mkatanggap ng autoreply anytime.

makoi
Guest

gaano kadami yung abono ang dapat ubusin ng isang ektaryang lupa? variety ko is nsic 214

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Sir Makoi, ang pinakamainam na basehan ng pataba ay ang soil analysis ng lupa. Maaari pong sundin ang general recommendation per ha kung kulang ang lupa sa NPK: sa 10-14 DAT,mag-apply ng 4 sako 14-14-14-12S at 1-2 sako 16-20-0. From 21 DAT,gumamit ng leaf color chart o LCC to monitor kung kailan maglalagay ng urea.Sa panahon ng paglilihi mag apply ng 0.5 bag ng 0-0-60 at 1-2 bbag ng urea.