Rice Talk

rice-talk-icon-questions-just-text-call-or-chat-us

Rice Talk

Questions on Rice? Chat with us!

906
Leave a Reply

avatar
396 Comment threads
510 Thread replies
13 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
243 Comment authors
Pinoy RiceJoyLourdesBeloiBrian Recent comment authors
  Subscribe  
Notify of
Borge M. Lingga
Guest

pwdi po bang maghingi ako nang technology about sa upland rice, paki sent nalang sa e.mail add ko salamat

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello sir Borge, tungkol po sa upland technology maaari din po kayong magtanong sa PhilRice Text Center sa 09209111398.Although naisend na po namin ang technoguide na request nyo,thanks.

macky alvarez
Guest

Hi, Gusto ko lg po magtanong kung bakit ung RC238 ko pong tanim ay almost 80% na po ung ripe grains pero 93 days pa lg ung edad nya at hindi po naman sya kulang sa tubig or na water stress.

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Macky, ang Rc238 ay may 110 araw ng paggulang, ito ay average maturity days mula sa mga NCT sites sa ibat ibang lugar sa Pilipinas. kung 80 % na ang hinog maaaring apekto ito ng matinding init kung araw at malamig kung gabi kaya napapabilis ang paghinog ng mga butil.

crisanto s. arandia
Guest

gandang raw po? Anu po b ang tamang timing para sa pag spray sa stemborer?

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Sir Crisanto, ang mga stemborer ay mahirap sugpuin kung hndi sabayan ang tanim dahil continous ang kanilang source ng pagkain. Umaatake din ito sa sa lahat ng stage ng palay. Mainam na imonitor lang ang palayan, then kung biglang dumami ang mga paru paro ng stemborer ibig sabihin ay panahon ng kanilang pangingitlog. Manguha lang ng itlog at ilagay sa isang garapon at hintayin na mapisa, then kung napisa na at puro uod ang lumabas, magspray sa loob ng 4 na araw para tamaan ang mga uod dahil nasa labas pa sila ng puno.

edgar mamaril
Guest

dear philrice,

may napanood po ako na video tungkol sa SRI o System for Rice Intensification. Applicable po ba ito sa lahat ng klase ng lupa? May gumagawa na po ba nito dito sa Pinas? Thank you. Paano po ang pagpapataba dito? Hindi po kasi ipinakita sa video e. thank you.

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello sir Edgar madami na din ang nagpo-promote dto sa Pilipinas ng SRI. for more info just visit //sripilipinas.wordpress.com ;thanks

Charles
Guest

Good day sir,, anong factors po ba ang nakaka apekto sa pagkakaroon ng productive tillers?, dahil sa panahon po ng pag susuwi ay umaabot sa 30+ ang tillers pero pag nag bunga na ay nasa 15-19 nalang po ang average,,, papaano po padadamihin ang productive tillers? may kakulangan po ba sa nutrients na nakukuha ang palay kaya marami ang tillers na namamatay pag dating ng reproductive stage?

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Sir Charles, ang palay ay may kakayahang magproduced ng maraming tillers, ngunit dahil hndi naman sabay sabay ang pagtubo ng suwi, ang mas nauna ang nagiging vigor at mas matatangkad kaya mas malakas silang kumuha ng sustansya at sikat ng araw. During sa reproductive stage ang mga nasa ilalim na mas maliliit na suwi ay namamatay na kaya hndi lahat ng suwi ay namumunga ang mas malalaki at matatangkad lang na suwi ang namumunga tinatawag po itong productive tillers.

Mario
Guest

Sorry medyo Hindi clear yong typing ko sa reply. Ulitin ko nlang po. Ano pong variety ng hybrid ang matibay sa tungro.Maraming salamat ho ulit.

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello sir Mario, in general po ang lahat ng mga hybrid ay mahina sa tungro.yund po ay base sa mga data ng PSB/NSIC ang PSB Rc72H or Mestizo 1 ang may data na intermediate ang reaction sa tungro, or ito po ay nasa gitna ng matibay at mahina.

roland garcia
Guest

hello po salamat po sa sagot nyo ,may nagsugest po sa akin na magsabog ng 1 sako ng 16-20-0 bago itanim o italok ang palay ok po ba ito ? isip ko po naman kung kung gagawin ito 4 sack na lang ng 14-14-14 1ng iabono ko sa unang pagaabono.tapos nalagyan pa ng 16-20-0 sa punlaan ok po ba ito o nagsasayang lang ako ng abono?at doon po sapag aabono sa panhon ng pagsusuwi pinalalagyan po sa akin ng 0.5 na 0-0-60 / hectar.0.5 ibig sabihin po kalahating sako?salamat po

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Sir Roland ang paglalagay ng pataba bago maglipat tanim ay mainam din lalo na po kung ang punla ay matanda na. ang 16-20-0 po ay para humaba ang ugat. tamadin po ang paglalagay ng 14-14-14 at 16-20-0 para bumilis ang paglaki at pagsusuwi ng palay. During sa paglilihi po kailangan ang 0-0-60 at urea para mas humaba,lumusog at lumapad pa ang dahon pra sa paggawa ng pagkain kaya mas ensure ang pagbuo ng butil sa mga bunga.

randy donato
Guest

Ano ang karaniwang sakit ng upland rice partikular ang iniput ibon o black rice

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

hello sir randy, ang karaniwang sakit ng palay sa upland ay rice blast, pwede naman silang sprayhan ng fungicides kung may nakikita ng sintomas, gaya ng spots sa dahon.

polly
Guest

ano pong binhi ang recommended niyo sa bukid na pang-sahod ulan??? kasi po walang patubig dito…

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello sir Polly ang mga recommended pra sa palayang sahod ulan ay PSB Rc12, Rc14, Rc36, Rc38, Rc40, Rc98, Rc100, Rc102,newly approved (2011)- Rc272, Rc274, Rc276, Rc278, Rc280, Rc282, Rc284, Rc286, Rc288.

polly
Guest

bukod sa RC10 ano ang malakas umanin na kasing aga niya??

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello sir Polly, ilan po sa mga Early maturing varieties (<110 days ang maturity)ex:PSB Rc4,8,12,14,10,82, NSIC Rc23,118,120,130,134,140,144,146,148,152,154,192,220,238,242.