Pagtatanim – May sapat na dami ng malulusog na punla

Seeds Land Planting Nutrient Water Pest Harvest

crop-establishment-img
KEY CHECK 4:
May sapat na dami ng
malulusog na punla.

Ang pagkakaroon ng sapat na dami ng malulusog na punla ay nagdudulot ng:

  • sapat na dami ng binhing mataas ang kalidad;
  • paglilipat-tanim ng tamang dami ng punla;
  • tama at napapanahong pagbibigay ng angkop at sapat na dami ng sustansiya sa palay;
  • magandang palyo o canopy kung saan mas napapakinabangan ang photosynthesis at mas nalalabanan ang mga damo; at
  • nakakabuo ng matitibay na ugat na nagpapahusay sa kakayahang kumuha ng sustansiya mula sa lupa.

 

KEY CHECK 3: Pagtatanim – Sabayang Pagtatanim

 

HANDOUTS LEARNING MODULES AUDIO CLIPS VIDEO
  •       KeyCheck 3- Sabayang pagtatanim
  •       KeyCheck 4 - Sapat na dami ng malulusog na punlaan
More handouts >> More learning modules >> More audio clips >> More videos >>

 

PAGTATAYA NG KEY CHECK

  • Lipat-tanim. Ang kailangang dami ng binhing palay para sa inbred ay 20-40 kilo kada ektarya at 15-20 kilo kada ektarya naman para sa hybrid. Pagkatapos ng paghuhulip sa loob ng 7 araw mula sa pagkakatanim, siyasatin ang kalagayan ng mga tanim 10 araw pagkalipat-tanim. Dapat may 25 tundos o higit pa sa kada metro kwadrado (m2) ng palayan.

    Pasumalang pumili (random) ng tatlong lugar sa bukid na may direksyong pahilis kung saan kukuha ng sampol. Ang lugar ng sampol ay dapat na hindi bababa sa 1 metro ang layo mula sa gilid ng pilapil.

    Bilangin ang buhay na tundos kada metro kwadrado sa pamamagitan ng isang 1 m x 1 m na parisukat. Pagsamahin lahat ang bilang ng tundos sa tatlong lugar at hatiin sa tatlo para makuha ang pangkaraniwang bilang ng tundos kada metro kwadrado.

  • Sabog-tanim. Labinlimang araw pagkasabog ng pinasibol na binhi, ang bawat ektarya na may 40 kilong binhi ay dapat may punlang hindi bababa sa 150 kada metro kwadrado samantalang kung gumamit ng binhing 80 kilo, ay dapat may punlang hindi bababa sa 300 kada metro kwadrado.

    Sa kada pinitak ng palayang lipat-tanim o sabog-tanim, pumili ng 10 tundos nang walang kinikilingan. Ang bawat tundos ay dapat may isa o higit pa na malusog na punla. Ang isang malusog na punla ay berde, maganda ang paglaki, at walang sakit o peste.

MGA REKOMENDASYON UPANG MAKAMIT ANG KEY CHECK

Uri ng binhi Dami ng binhi (kilo kada ektarya Luwang/sukat ng punlaan (metro kwadrado) Edad ng punla (araw) Bilang ng punla kada tundos Distansya/pagitan ng pagtatanim (cm x cm)
INBRED 20-40 400-600 20-25 1-3 20 x 20
HYBRID 15-20 400-600 20-25 1-2 20 x 20