Ang pagsalat ay maaaring gawing batayan upang malaman ang uri ng lupa. Ang mamasa-masang sampol ng lupa ay iniipit sa pagitan ng hinlalaki at mga daliri.
(A) Pinong lupa – malagkit, madulas, at naghuhugis laso pagkatapos pisilin. Halimbawa ay mga lupang clay, clay loam,silty/sandy clay loam.
(B) Medyo pinong lupa - hindi masyadong madulas, magaspang, at hindi naghuhugis ribbon pagkatapos pisilin. Halimbawa ay loam, silt loam, at sandy loam.