Brown Planthoppers at White-backed Planthoppers
- Ang palayan ay masasabing inatake ng Brown Planthoppers at White-backed Planthoppers kapag makikitaan na ang mga tanim na palay ng panunuyo o ang tinatawag na hopperburn.
- Ang hopperburn ay sanhi ng nimpa at matatandang Brown Planthoppers at White-backed Planthoppers na kumakain sa pinakababang parte ng palay kung saan nauubos ang katas nito kaya nanunuyo.
Yugto ng palay kung saan madali itong kapitan ng peste/sakit:
- Panahon mula sa pagsusuwi hanggang sa paggulang nito
Pamamahala ng Brown Planthoppers at White-backed Planthoppers :
- Pumili ng barayti na matibay laban sa aksip tulad ng PSB Rc4 o Molawin, NSIC Rc110 o Tubigan 1, NSIC Rc132H o Mestiso 6, NSIC Rc136H o Mestiso 7, at PSB Rc98 o Lian.
- I-monitor at obserbahan ang sitwasyon sa palayan upang mas maagapan ang anumang pagbabadya o pag-atake ng BPH at WBPH.
- Huwag mag-ispray o gumamit ng insektisidyo o pestisidyo. Ayon sa mga eksperto, ang paggamit ng mga ito ay ang kasabay na pagkaubos ng BPH gayundin ang mga beneficial insects o pinakikinabangang insekto. Ngunit kung inaakala natin na mauubos ang mga BPH at WBPH, mas dumadami pa ang mga ito, dahil namatay na ang mga pinakikinabangang insekto na kumakain sa BPH at WBPH.


Leave a Reply