Ang certified seeds (CS) ay mataas ang kalidad at dumaan sa masusing pagpupuro ng magbibinhi. Ang mga punla o pananim na mula sa certified seeds ay malulusog at may 85% na antas ng pagsibol na tulad ng Registered at Foundation Seeds.
Ang paggamit nito ay nagreresulta ng malulusog na punla na mabilis at pantay-pantay ang paglaki.
Kahalagahan ng Paggagamit ng CS
- Nakatutulong upang tumaas ng 5-10% ang ani ng palay
- Ipinapayong bumili lamang ng certified seeds sa tuwing magsasakahan. Gayunman, ligtas pa ring gamitin ang ani sa dalawang magkasunod na panahon kung regular ang pagtatanggal ng mga hindi kauri o lahok sa buong yugto ng pagkakatanim.
| Uri ng Binhi | Pinagmulan | Kulay ng tag | Halo sa 500 gramo |
|---|---|---|---|
| Breeder Seed (BS) | mula sa mga institusyong palahian katulad ng IRRI, UPLB at PhilRice | Puti | walang halo |
| Foundation Seed | mula sa BS at itinatanim ito ng sangay ng PhilRice at mga piling miyembro ng R&D network at SeedNet. | Pula | 1-2 halo |
| Registered Seed | pinararami ng mga miyembro ng SeedNet at mga magbibinhi | Berde | 5 halo |
| Certified Seed | pinararami ng mga akreditadong magbibinhi mula sa RS | Asul | 20 halo |

