Ano ang Golden Rice?

in keycheck1 varieties-tagalog

Palaycheck - Variety and seed selection

Ang Golden Rice ay isang uri ng palay na nagtataglay ng beta-carotene. Ang beta-carotene ay nagiging bitamina A sa loob ng ating katawan. Ito rin ang nagbibigay ng dilaw o ginintuang kulay sa mga butil ng bigas kaya ito tinawag na Golden Rice.

Kakulangan sa Vitamin A
  • Ang kakulangan sa bitamina A o vitamin A deficiency (VAD) ay nagpapahina sa resistensiya ng ating katawan upang labanan ang iba’t ibang uri ng impeksiyon.
  • Ang VAD ay maaaring maging sanhi ng pagtaas ng bilang ng mga namamatay mula sa mga karaniwang sakit, lalo na sa mga bata.
  • Nagiging sanhi rin ng panlalabo ng paningin. Kung hindi ito maaagapan ay maaari itong maging dahilan ng pagkabulag.
  • Ang VAD ay kakulangan sa micronutrient na karaniwang nakaaapekto sa mga bata at buntis o nagpapasusong ina ng mahihirap na bansa.
  • Sa Pilipinas, 4 sa bawat 10 bata, edad 6 na buwan hanggang 5 taon, at 3 sa bawat 10 nag-aaral na bata ay may VAD. Bukod pa rito, 1 sa bawat 5 buntis at 1 sa bawat 5 nagpapasusong ina ay may VAD. (FNRI, 2006)

 

Download Ano ang Golden Rice
 

Are you satisfied with the material?
  • Yes (13)
  • No (4)

Previous post:

Next post: