Gumamit ng Certified Seeds

in keycheck1 varieties-tagalog

Palaycheck - Variety and seed selection
Ang certified seeds (CS) ay mataas ang kalidad at dumaan sa masusing pagpupuro ng magbibinhi. Ang mga punla o pananim na mula sa certified seeds ay malulusog at may 85% na antas ng pagsibol na tulad ng Registered at Foundation Seeds.
Ang paggamit nito ay nagreresulta ng malulusog na punla na mabilis at pantay-pantay ang paglaki.
Kahalagahan ng Paggagamit ng CS
  • Nakatutulong upang tumaas ng 5-10% ang ani ng palay
  • Ipinapayong bumili lamang ng certified seeds sa tuwing magsasakahan. Gayunman, ligtas pa ring gamitin ang ani sa dalawang magkasunod na panahon kung regular ang pagtatanggal ng mga hindi kauri o lahok sa buong yugto ng pagkakatanim.
Uri ng Binhi Pinagmulan Kulay ng tag Halo sa 500 gramo
Breeder Seed (BS) mula sa mga institusyong palahian katulad ng IRRI, UPLB at PhilRice Puti walang halo
Foundation Seed mula sa BS at itinatanim ito ng sangay ng PhilRice at mga piling miyembro ng R&D network at SeedNet. Pula 1-2 halo
Registered Seed pinararami ng mga miyembro ng SeedNet at mga magbibinhi Berde 5 halo
Certified Seed pinararami ng mga akreditadong magbibinhi mula sa RS Asul 20 halo

 

Download Gumamit ng Certified Seeds
 

Are you satisfied with the material?
  • Yes (18)
  • No (2)

Previous post:

Next post: