Iba’t-ibang Paraan upang maging Organikong Pataba ang Dayami

in Keycheck5 Nutrient Management-tagalog

Iba't-ibang Paraan upang maging Organikong Pataba ang Dayami

1. Direktang paghalo sa lupa ng walang organismong pampabulok
Ikalat agad ang dayami sa palayan pagkatapos umani. Sa unang pagaararo o 30 araw bago ang lipat-tanim, ihalo ang dayami sa lupa. Sa unang pagsuyod, lagyan ng EM-based na organismong pampabulok (EMBI) ang lupang sinabugan ng dayami sa timpladang 1 litrong EMBI sa bawat 10 kg na dayami upang mas mapabilis ang pagbubulok.

2. Direktang paghalo sa lupa na may organismong pampabulok
Ikalat agad ang mga dayami sa bukid pagkatapos umani. Sa unang pag-aararo o 30 araw bago ang lipat-tanim, ihalo ang dayami sa lupa.

3. Gamitin muna ito sa pagpapatubo ng kabute bago ihalo sa lupa
Gamitin muna ang dayami bilang materyal sa pagpapatubo ng kabute. Pagkatapos anihin ang mga kabute, diretsong ihalo ang bahagya nang nabubulok na mga dayami sa lupa.

4. Muling paggamit ng dayami para sa pagpaparami ng bulate (vermiculture), bago ang paghalo sa lupa
Ang mga dayaming ginamit sa pagpaparami ng kabute ay gawing pagkain muna ng mga bulate. Kaya, sa halip na mga dayaming bahagyang nabulok, ang mga dumi o tae ng mga bulate ang gamitin bilang organikong pataba sa mga halamang palay.

5 Pasalansang Pagbubulok
Isalansan nang masinsin ang mga dayami. Ihalo ito sa mga dumi ng hayop. Diligan at haluin araw-araw upang mapalabas ang init na nasa ilalim. Pagkalipas ng isang buwan, husto na ang pagkabulok ng dayami at pwede nang gamitin.
 

Download Iba't-ibang Paraan upang maging Organikong Pataba ang Dayami 

Are you satisfied with the material?
  • Yes (3)
  • No (0)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: