Mga Kailangan
- Giniling na mais o cracked corn
- plastic bag (5×8 pulgada, at 0.3 pulgada ang kapal)
- goma
- tubig
- malaking kaldero
- pasingawan o steamer
- balde o palanggana
- kalan o kahoy o gas (panggatong)
- screen/net (patiktikan)
- Trichoderma (IPM CRSP) culture
Paraan ng Pagpaparami
- Hugasan ang mais at alisin ang mga dumi. Ilaga ang mais sa loob ng 20-30 minuto upang lumambot ng bahagya (half-cooked).
- Itapon ang pinaglagaang tubig at hugasan ang mais hanggang sa lumamig.
- Ibuhos sa screen at patiktikang mabuti ang nilagang mais. Maglagay ng 100 gramo na nilagang mais sa plastik at talian ng goma. Alisin ang hangin sa loob ng plastik bago talian.
- Ilagay sa steamer o kaldero ang nakaplastik na mais. Pasingawan ang mais o i-sterilize sa loob ng 2 oras kung steamer ang gamit; 15 minuto kung autoclave ang gamit.
- Palamigin ang napasingawang mais.
- Maglagay ng Trichoderma sa mga nakaplastik na mais. Maglagay ng takip sa ilong at bibig upang maiwasan ang kontaminasyon.
- Ilagay ang mga plastik sa malinis at malamig na lugar. Hayaan tumubo at kumalat ang trichoderma sa mais ng 7 7-10 araw.
- Maaari na itong buksan at ibuhos sa isang kahon o ibabaw ng lamesa. Sapinan ito ng malinis na papel o lumang dyaryo. Iwasang itong langawin, takpan ng papel o net. Patuyuin sa hangin ng 5-7 araw.
- Maaaring gilingin ang tuyong mais na may Trichoderma upang maging pulbos ito at ipunin sa isang plastic o lalagyan.
- Itago ang Trichoderma sa malamig na lugar kung hindi pa gagamitin. Maari ring ilagay sa loob ng refrigerator.


Leave a Reply