Ang VAM ay isang kaibigang amag na kumakapit sa ugat ng halaman. Tinutulungan ng VAM ang ugat ng halaman para sumipsip ng tubig at sustansiya sa lupa tulad ng phosphorus. Dahil dito, ang VAM ay tinatawag na biofertilizer.
Mga Kailangan sa pagpaparami ng VAM
1. lupa
2. paso na maaaring paglagyan ng 2-3 kilong lupa
3. buto ng mais na native
4. VAM root inoculant o starter inoculant
Paraan ng Pagpaparami ng VAM
1. Isangag ang lupang gagamitin ng isang oras. Maaari ring ibilad ito sa araw sa loob ng 24-48 oras.
2. Takpan ang mga butas ng paso bago ilagay ang pinalamig na lupa.
3. Maglagay ng manipis na VAM starter inoculant sa paso. Takpan ng manipis na lupa.
4. Magtanim ng 3-5 na butil ng mais sa isang paso at diligan ito ng tubig.
5. Ilagay ang pasong may tanim na mais sa lugar na hind nauulanan at hindi diretsong naaarawan.
6 Buhayin ang halaman sa loob ng 3 buwan.
7 Itigil ang pagdilig matapos ang 3 buwan at hayaang matuyo ang mais at ang lupang pinagtaniman nito.
8. Anihin ang mga ugat ng mais kapag tuyung-tuyo na ang mga ito.
9. Ihiwalay ang mga ugat ng mais sa lupa.
10. Gupitin ng pino ang mga ugat at ihalo sa lupang galing sa pasong pinagtaniman kapag ito ay gagamitin na. Ito ang magsisilbing VAM soil inoculant na maaaring ilagay sa punlaan ng sibuyas.


how to avail this?
Magandang araw po. Sa ngayon po ay wala kaming available na VAM-VESICULAR ARBUSCULAR MYCORRHIZAE. Hindi na po kasi nagpaparami ng ganito. Try po ninyo sa DA RFO or sa BSWM.