1. Ikalat ang 100 butil ng binhi sa paper towel (o sa lumang puting kamisetang pinutol sa kalahati) na binasa sa tubig.
2. Takpan ang mga binhi ng paper towel (o ng kaputol na kamiseta na pinagkalatan ng binhi).
3. Irolyo ang paper towel na may binhi sa loob at iimbak sa lilim ng 7-10 araw. Panatilihing basa sa buong panahon (Lagyan ng stick o patpat ang nakakalat na binhi kung kamiseta ang gagamitin at saka irolyo).
4. Gumawa ng 4 na pangkat na may tig 100 na butil ng binhi.
5. Pagkalipas ng 7-10 araw, bilangin ang mga sumibol ng normal na punla (hal. may mayabong na ugat o supang).
6. Kailangang may 85% ang sumibol na mga binhi sa bawat set. Kung ang pagsibol ng mga binhi ay 85% o mas mataas pa, ang mga binhi ay maaari nang isako.

