Mga Karaniwang damo sa Pilipinas
- bayakibok o telebisyon
- gabi-gabi, bilagut, at lapalapa
- mais-maisan o sili-silihan
- payong-payong o gumi
Ang damo ay nakikipag-agawan sa sinag ng araw, sustansiya, at tubig na dapat ay sa palay mapunta.
Pamamahala:
- Gumamit ng malinis na binhi gaya ng certified seeds.
- Ang tamang paghahanda ng lupa at tamang pagpapatag ay napakahalagang pamamaraan para maiwasan ang damo.
- Bunutin ang mga damo habang maliliit pa ang mga palay.
- Ang pagpapatubig sa lalim na 2-3 sentimetro, 3-4 na araw pagkalipat-tanim, ay mabisa ring pangkontrol sa mga tumutubong damo.
- Panatilihing malinis ang kanal o irigasyon at mga kagamitan sa bukid.
- Mahalagang gumamit ng tamang uri ng herbicide o pamatay-damo upang masigurado ang pagsugpo at maprotektahan ang halaman.


Leave a Reply