Ano ang Igat?
1. Ang Igat ay kapamilya ng mga isda.
2. Ito ay dinala sa Pilipinas noong huling bahagi ng 1980s upang maging pagkain at hanapbuhay.
3. Ang igat ay hindi kumakain ng anumang bahagi ng palay subalit ang kanilang pagbutas ng lungga sa mga pilipil ay nakakapekto sa pamamahaka ng tubig, damo, at nitroheno sa palayan.
4. Ang mga igat sa palayan ay nabibili sa halagang P60 hanggang P120 kada kilo at maaaring gawing daing o gamiting sangkap sa adobong may gata.
5. Minsan, ito rin ay kapakipakinabang sa palayan dahil kinakain nito ang mga golden kuhol.
6. Itunuring ang igat sa palayan na “invasive species” nooong taong 2014.
Ano ang pagkakakilanlan ng igat sa palayan
1. Ang igat sa palayan ay may katawang parang ahas na may habang 30 hanggang 45sm. Ito ay walang palikpik at ang buntot nito ay manipis at patulis na kayang magurong-sulong sa maliliit na lungga.
2. Ito ay ipinanganganak na babae at mayroong kakayahang magluwal ng 200 hanggang 1660 na itlog. May kakayahan din itong magpalit ng kasarian o maging lalaki kung ang kanilang populasyon ay kulang sa mga lalaki.
3. Kaya nitong huminga sa ilalim ng tubig at sa ibabaw ng lupa.
Anong pinsala sa palayan?
1. May kakayahan ang mga igat sa palayan na gumawa ng humigit kumulang 104 na lungga sa pilapil kada ektarya kung tag-ulan at humigit kumulang 67 na lungga kada ektarya kung tag-araw.
2. Ang mga lunggang ito ang dahilan ng pagkatuyo ng palayan na nagiging sanhi ng pagtubo ng damo at pagkaubos ng inilagay na pataba.
Paraan ng Pamamahala
1. Hayaang walang tubig ang palayan sa loob ng dalawang buwan pagka-ani. Araruhin nang tuyo ang lupa upang mapatay ang mga igat na nanatili sa ilalim ng lupa.
2. Pinaka-praktikal pa rin ang regular na pagtatakip ng lungga ng igat mula bago magtanim hanggang sa huling sabog ng pataba. Bagama’t ang mga igat ay gagawa pa rin ng panibagong lungga, ang bilang naman nito ay patuloy na bababa sa paggulang ng palay. Sadyain din ang salit ang pagpapatubig at pagpapatuyo ng palayan.
3. Huwag gumamit ng kemikal na pamatay sa golden kuhol upang mapuksa ang mga igat. Huwag ding dalhin ng buhay ang igat sa ibang lugar. Huwag din itong alagaan.


Leave a Reply