Paano makikilala ang rice bug o atangya?
1. Ang mga itlog ng rice bug ay maputlang berde kapag kapapangitlog at nagiging makintab na kayumanggi pagkaraan ng ilang oras. Kalimitan itong nakalinya sa dahon ng palay. Mapipisa ang mga ito sa loob ng humigit kumulang isang linggo.
2. Kadalasan ay umaabot sa 48 araw bago maging isang adult ang itlog.
3. Ang mga nymph ay kulay berde. Dumadaan ito sa 5 yugto ng paghuhunos o instars. May 19-21 araw bago ito maging ganap na adult. Ang mga adults ay mayroong kulay na maberdeberdeng kayumanggi. Ang lalaking rice bug ay may flat na tiyan at mas payat kaysa babaeng atangya na may malaki, bilugan, at protruding na tiyan.
4. Ang mga adult na rice bug ay mabilis lumipad.
5. Kapag naistorbo o may panganib, naglalabas ito ng mabahong amoy.
6. Kadalasang lumalabas sila sa umaga at hapon kung saan mahina ang sikat ng araw.
Ano-anong mga pinsala ng rice bug?
Ang mga adults at nymphs ay sumisipsip sa butil ng palay kapag ang palay ay nasa yugto na malagatas. Ito ay nagdudulot ng kabawasan sa ani o pagbaba ng kalidad ng butil ng palay. Suriin ang pinagkainang nasira ng atangya kung saan ang butil ng palay ay naiiba ang kulay at hugis at mayroong kayumangging batik sa pinagkainan ng atangya. Walang lamang uhay o pipis ang mga butil ng palay na napinsala.
Ang palay ay mahina o susceptible sa atake ng mga atangya ng mga hanggang 30 araw, simula sa pamumulaklak nito hanggang soft dough.
Huwag hayaang lalampas ng 5 nymphs at adults kada metro kuadrado kapag ang palay ay nasa yugto ng malagatas o hihigit pa sa 10 nymphs at adults kada metro kuadrado sa yugto kung kailan naglalaman ang butil ng palay.
Paano ito mapamahalaan?
1. Pagkatapos ng hindi bababa sa isang buwang pagpapahinga sa lupa, ugaliin ang sabayang pagtatanim sa isang komunidad.
2. Panatilihing malinis at walang damo ang bukid para maiwasang pamahayaan ng mga peste.
3. Bigyan ng importansya ang paggamit sa mga biological control agents o mga kaibigang organismo gaya ng mga gagamba, tipaklong, mga putakti na Gryon nixoni, at amag na Beauveria bassiana. Ang paggamit sa mga ito ay subok na epektibo kahit sabayang gagamitin ito kasama ang iba pang mga pamamaraan ng pamamahala.
4. Maglagay ng mga pain o pang attract gaya ng nabubulok na karne, isda o kuhol malapit sa palayan. Kolektahin ang mga naattract na mga insekto gamit ang net at sunugin.
5. Gumamit lamang ng pestisidyo kung kinakailangan. Laging sumangguni muna sa mga eksperto gaya ng mga agricultural extension workers bago gumamit ng pestisidyo.


thanks a lot for the info a great help to us
Wala pong anuman sir Marlon, Have a nice day po!
How to control rice bugs in the rice paddy
good day, Rice Bug is a pest of rice that suck the liquid in the developing grain during the milking stage. They are highly mobile so they are hard to control with pesticides. We recommend to have synchronous planting in your area. You may use attractant such are decomposed fish, toads, snails etc. Put them in a cloth and cover with fishnet. Install them in a pole with 1 meter higher from the rice panicles. When the rice bugs attached to the attractant you may spray with pesticides or use flame thrower to control them. When using insecticides add stickers… Read more »