Pamamahala ng Sakit : Rice Tungro

in Keycheck7 Pest Management-tagalog

Pamamahala ng Sakit : Rice Tungro

Rice Tungro

  • Pinaka-mapanirang sakit ng palay sa Asya tropical.
  • Ito ay isinasalin ng insektong tinatawag na green leafhopper (GLH) o berdeng ngusong kabayo.
  • Ang sakit na ito ay sanhi ng 2 bayrus: ang tungro bacciliform at ang tungro spherical.
  • Isa sa mga sintomas nito ay ang pagiging bansot at malabnaw na kulay ng mga dahon ng palay.

Yugto ng palay kung saan madali itong kapitan ng sakit:

  • Makikita ito sa panahon ng pamumunla hanggang sa pagsusuwi.

Pamamahala ng Tungro:

  • Pumili at gumamit ng barayting matibay laban sa sakit na ito tulad ng PSB Rc2 o Nahalin, IR69726-29-1-2- 2-2 o Matatag2, IR73885-1-4-3-2-1-6 o Matatag 9, NSIC Rc120 o Matatag 6, BPI Ri1, at IR65.
  • Isagawa ang sabayang pagtatanim sa lugar na madalas tinatamaan ng tungro. Ang paninilaw ay nagsisimula sa dulo ng dahon at maaaring bumaba sa buong dahon.
  • Huwag itanim ng magkasunod ang iisang klase ng barayti.
  • Bunutin at ibaon ang mga halaman na may sakit upang di na ito kumalat pa.
  • Ipahinga ang lupa isang buwan matapos umani o bago magtanim muli. Ito ang tinatawag na fallow period.

 

Download Pamamahala ng Sakit - Rice Tungro

Are you satisfied with the material?
  • Yes (24)
  • No (4)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: