Ang sheath blight ay isang sakit na sanhi ng amag na Rhizoctonia solani na madalas sa mga palayang may tubig o mga sahod-ulan na mataas ang nilalagay na nitroheno sa lupa.
Sintomas
May pahabang bilog na batik at kulay abo sa bandang lapak o leaf sheaths na madalas makita sa panahon ng pagsusuwi hanggang sa paglabas ng bunga
Pamamahala
1. Sundin ang tamang dami ng binhi.
2. Iwasan ang masinsin na pagitan ng mga tanim.
3. Alisin ang mga damo sa mga pilapil.
4. Maglagay ng tamang dami ng abono lalo na ang nitroheno.
5. Mag-apply lamang ng rekomendadong fungicide kung kinakailangan.
6. Araruhin ang palayan at ibaon ang mga pasyok at damo mataposumani.
7. Gumamit ng Trichoderma harzianum na biyolohikal na kontra amag.
Ang rice blast o mata-mata ay nakapipinsala sa mga bahagi ng tanim na palay tulad ng dahon, buko, buhol, batok, at ang uhay. Ito ay kadalasang umaatake sa mga matataas o upland, makulimlim at laging inuulan na palayan dito sa Pilipinas.
Pamamahala
1. Gumamit ng mga barayting matibay sa mata-mata.
2. Iwasan ang sobrang paglalagay ng abonong nitroheno.
3. Ang pagpapatubig ay nakababawas ng atake ng sakit lalo na sa mga palayang sahodulan.
4. Iwasang lumusong sa palayan kapag basa pa ang mga dahon dahil maaaring maikalat ang sakit.
5. Sunugin o araruhin ang mga pinaggapasan para mapabilis ang pagkabulok nito.
6. Ang mga fungicides gaya ng benomyl, pryroquilon, at tricyclazone ay mainam na pangkontrol sa sakit na mata-mata.
7. Para makaiwas sa neck blast at panicle blast, mag-apply ng fungicide sa umpisa ng pagbubuntis at kung nasa 70% na ng uhay ay nakalabas
Sintomas
Foliar blast
Nagkakaroon ng spots (mata-mata) sa dahon na hugis diamante na medyo mapula ang gilid at abuhin ang gitna.
Neck rot
Sa panahon ng paglalaman, inaatake ng amag ang batok ng uhay na sanhi ng pagkamatay nito.


Leave a Reply