Rice Black Bug (RBB) O Itim na Atangya

in Keycheck7 Pest Management-tagalog

Rice Black Bug (RBB) O Itim na Atangya

Rice Black Bug

  • Kadalasang matatagpuan sa mga lugar na sahod-ulan at katihan na may patubig.
  • Ang mga dahon ng palayang inatake ng RBB ay nagiging kayumanggi, bansot, at matamlay; bumababa ang bilang ng suwi, at nagkakaroon ng pamumuo ng uban o whiteheads ang mga palay.
  • Ang tinamaang palayan ay umaabot ng humigit kumulang 35 porsyentong pagkalugi ang aanihing palay.

Yugto ng palay kung saan madali itong kapitan ng peste/sakit:

  • Umaatake ang RBB sa anumang yugto ng palay ngunit pinakakritikal sa panahon ng pagsusuwi hanggang pagbubunga.
  • Sa araw, ang RBB ay nagtitipun-tipon sa pinakapuno ng mga palay na malapit sa ibabaw ng tubig.
  • Sa gabi, umaakyat ang mga RBB sa puno at sinisipsip ang katas ng mga suwi.

Pamamahala ng Rice Black Bug:

  • Magtanim at mag-ani nang sabayan upang magkaroon ng isang buwan na puwang sa bukid. Sa ganitong paraan, mawawalan ng pagkain ang RBB at hindi makapagpaparami nang husto.
  • Panatilihing malinis ang bukid. Araruhin ang mga pinaggapasan at alisin ang mga damo upang walang pamahayan ang pesteng ito.
  • Mag-ispray ng Metarhizium anisopliae, isang uri ng amag at natural na pestisidyo. Pagkatapos, patubigan na ang pananim hanggang sa mamatay ang mga peste. Ang Metarhizium anisopliae ay maaari rin nating paramihin.
  • Gumamit lamang ng pestisidyo bilang huling paraan o lunas upang mapangalagaan ang katutubong kaaway ng RBB.

 

Download Rice Black Bug (RBB) O Itim na Atangya

Are you satisfied with the material?
  • Yes (9)
  • No (2)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: