Rice Talk

rice-talk-icon-questions-just-text-call-or-chat-us

Rice Talk

Questions on Rice? Chat with us!

1111
Leave a Reply

avatar
486 Comment threads
625 Thread replies
28 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
330 Comment authors
adminRemelyn ArevaloJosephChyJohn Recent comment authors
  Subscribe  
Notify of
Mat
Guest
Mat

magandang umaga po. tanong ko lang po kung ilang araw ang maturity ng rc222? salamat po

Pinoy Rice
Admin

Hello Mat, ang NSIC Rc222(Tubigan 18). Karaniwang ani kung lipat tanim 6.1 ton/ha hanggang 10 ton/ha,karaniwang taas 101 sm. May paggulang na 114 araw. Kung Sabog tanim, karaniwang ani ay 5.7 ton/ha hanggang 7.9 ton/ha. Karaniwang taas na 98 sm. May paggulang na 106 araw. Nasa gitna ng matibay at mahina sa blast, bacterial blight, tungro. Medyo matibay sa bph at GLH.May 68.5% porsyento ng bigas. Mahaba ang butil. Medyo malambot pag naluto.

Arjohn
Guest

hello po, ask ko lang po if yung rice varieties po na indicated sa site niyo is under one specie lang po siya which is Oryza sativa? or iba iba pong species kada variety? And pwede po ba mag avail ng rice seed sa irri kung sakali?

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Arjohn, ang karaniwang palay po na itinatanim ay Oryza sativa, although sa improvement ng breeding ay kumukuha din po ng genes or mga katangian sa mga ibang uri ng palay.every variety po ay parehas lang, although ang mga ito ay nadevelop pra po sa ibat ibang lugar,may variety para sa tubigan o irrigated lowland, may para sa sahod ulan o rainfed, para sa katihan o upland,pang malalamig na lugar o cool elevated,para sa inaabot ng tubig dagat o saline prone,at sa mga drought at sa flood prone. Dito po sa PhilRice ang karaniwang bumibili po ay mga seed… Read more »

Allan
Guest

Ano po ba. Characteristics​ Ng rc394?

Pinoy Rice
Admin

Hello sir allan, ang NSIC Rc394 (Tubigan 32) ng PhilRice.Para sa palayang may patubig. Paggulang 106 araw.Karaniwang ani 5.2 t/ha hanggang 10 t/ha.Karaniwang taas 94 sm.Nasa gitna ng matibay at mahina sa BLB, Sheath Blight,BPH at GLH. Mahina sa Tungro.Milling recovery 78.4%.Mahaba ang butil.Katamtaman ang lambot kapag naluto.

Monique
Guest
Monique

Hi sir/maam. Tanong ko lang po sana kung ilan ang nitrogen content ng palay na kulang sa abono. Tama sa abono. At sobra sa abono. Yan lamang po. Salamat

Pinoy Rice
Admin

Hello Monique, so far ay wla pang specific device or protocol to determine ang specific quantitatively na nitrogen content na nagdescribe na kulang, tama or over na sa nitrogen. Although may ginagamit na instrument like Leaf Color Chart a handy tool to monitor degree of greenness ng dahon, kapag mababa na sa critical value ay kulang ang nitrogen, kung sa pinakamataas ay maaaring sabihin na sobra na ang nitrogen. Meron din ang SPAD(Soil Plant and Analysis Development) na kung saan kinukuha ang relative content ng chlorophyll sa dahon na directly proportional sa N content ng dahon. Although pwedeng factor ang… Read more »

jun
Guest

Sir may 2 tanong po ako.
1. Anong rice variety recommended nyo, medyo maalat kasi ang tubig na nakukuha ng water pump sa amin?

2. anong variety po na hybrid and stem borer resilient?

Thank

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Jun, ang mga recommended sa mga saline areas ay PSB Rc48, Rc50, Rc84, Rc86, Rc88, at Rc90; NSIC Rc106, Rc108, Rc182, Rc184, Rc186, Rc188, Rc190; newly approved- Rc290, Rc292, Rc294, Rc296,Rc324,Rc328,Rc330,Rc332,Rc334,Rc336,Rc338,Rc340, (2015)Rc390, 392. Patungkol naman po sa matibay sa stemborer na hybrid ay Rc76,114,116,168,174,230,232.Maaari din po kayong magtanong tru text sa PhilRice Text Center sa 09209111398.

jayson ragay
Guest

ano pong magandang variety ang angkop ngayong panahon ng tag ulan?

pat
Guest

good day po sir its me again pat ask ko lang re nsic rc 402 base po sa DISEASE AND INSECT PEST REACTIONS
susceptible po siya sa blast, blb at tungro any recommendation po na pedeng gawin to avoid po this disease ?

Pinoy Rice
Admin

Hello Pat, regarding po sa mga pest management may mga babasahin at ilang presentation sa website na ito. Magpunta lang po sa pest management na column, makikita na po ang ibat ibang paraan ng pag-iwas at pagsugpo ng peste.

Edgar
Guest

Good am sir tanong ko po yung info ng binhi na rc358 at rc216 at kung maganda po ba sya ngayong rainy season salamat po

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Edgar, ang NSIC Rc358 at ang NSIC Rc216 ay parehas po na inbred variety kaya mainam po silang itanim both wet at dry season.

arnold
Guest

naa try ko na yan aang binhi na yan ang 238 hindi masyado malaki naani ko noong wet season,pag naapawan sya nga tubig na ilang days parang nag rot sya sa 2 hectares ko 70 sacks lang naani ko sa wet season pero maganda magbunga yan,,,yong 216 malakas po mag ani yan kaya lang pag marami stemborer sa lugar nyo mahina dyan ang 216 pag malasin ka uubusin ng stemborer yan nagiging white bunga paag naa sobrahan naman ng nitrogen sa top dress mo konting hangin lang dumapa na..pero malaki yan mag ani ang 216 kung dry season sa wet… Read more »

Pinoy Rice
Admin

Hello sir arnold, maraming salamat po sa pagbibigay ng inyong experience. Tama po na depende sa lugar at panahon ang performance ng mga variety. Mostly po sa panahon ng tag-araw ang may pinakamaganda ang performance ng mga variety lalo na kung may sapat na patubig at tamang pamamahala ng tanim.

imelda de guzman
Guest

hello sir,ilang kilo ng binhing 402 ang ilalagay sa 1hec,at ano ang dapat iabono at kailan po mag aabono at ano po ang dapat e spry sa tanim po sir

Pinoy Rice
Admin

Hello Mam Imelda, ang recommendation po per ha ng inbred at lipat tanim ay 40 kilo kada ektarya. In general ang pinakamainam na basehan ng pataba ay ang soil analysis ng inyong lupa.Maaring sundin ang recommendation per ektarya kung kulang sa NPK ang lupa 4-5 bags na 14-14-14 at 1-2 bags na 16-20-0 sa ika 10-14 araw matapos maglipat tanim. Gumamit ng leaf color chart para malaman kung kailan mglalagay ng urea. sa panahon ng paglilihi maglagay ng .5 bag ng 0-0-60 at 1-2 bag na urea.

pat
Guest

Good day sir

Ask ko lang po kung okay lang pong itanim sa tag ulan yung nsic rc 402
hindi po ba siya dumadapa sa panahon ng pagbubuntis or flowering stage. ano po appropriate season para magtaning ng variety na 402

thanks

pats

Pinoy Rice
Admin

hello sir Pat, ang NSIC Rc402 ay isang inbred na variety,mainam po itong itanim both wet at dry season.Ang karaniwang taas nito ay nasa 95 sentimetro kaya hindi ito ganun ka-prone sa pagdapa. Pero depende pa din sa lakas ng hangin ang kakayahan ng mga variety sa pagdapa o paghapay. Maaari din po kayong magtanong sa PhilRice Text Center sa 09209111398.

1 27 28 29 30 31 49