Rice Talk

rice-talk-icon-questions-just-text-call-or-chat-us

Rice Talk

Questions on Rice? Chat with us!

886
Leave a Reply

avatar
388 Comment threads
498 Thread replies
12 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
236 Comment authors
Pinoy RiceRufina Buensucesorj enrijoFe caballeroPaul Recent comment authors
  Subscribe  
Notify of
Labaclado mark
Guest
Labaclado mark

Sir ano po ba ang mas magandang gawin para maiwasan ang stemborer

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Mark, para makaiwas sa stemborer ay makipag-sabayad sa pagtatanim. Huwag mag-spray ng lason kung katatanim pa lang ng palay upang dumamin ang mga kaibingang kulisap sa palayan.

Bonny
Guest
Bonny

Sir ilang araw po bago pwedi mag-abono kpg direct seeding po? Salamat po

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Bonny, inererekomenda po na maglagay ng abono sa ika 16 – 21 araw matapos isabog ang binhi.

Bonny
Guest
Bonny

Salamat po, sir tanong ko pa ulit kng ilang araw bago maglihi ang palay kpg seeding, salamat

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Nakadepende po ito sa maturity days ng variety, usually po ay 65 days bago ito anihin.

Bonny
Guest
Bonny

Sir dagdag katanungan ko lang po ulit, n-222 variety ng palay na pinunla ko po, ilang araw po bago anihin?
At ilang araw po bago pweding mag-spray para sa insecto po? At brand? Salamat po ng marami

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Ang RC 222 po ay may paggulang na 114 days kung transplanted at 106 days kung direct seeding. Nakadepende po ang pag-spray at kung anong klaseng pamatay peste ang gagamitin sa kung ano ang umaatakeng peste.

Bonny
Guest
Bonny

Sir, itanong ko lng po ulit, kng maari po ba magspray na po ng insecticide sa palay for prevention lang,, salamat

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Bonny, hindi po inererekomenda na magspray ng lason basta-basta. Hindi po maaaring magspray kung wala pang peste lalo na kung bata pa ang tanim dahil may kakayahan itong makabawi sa sirang dulot peste.

Bonny
Guest
Bonny

Maraming salamat po sa mga kasagotan sa aking mga katanungan po sa inyo, baguhan po kc ako sa pagbubukid…
Dagdag katnungan po sana ulit, 20days na ang aking tanim(direct seeding) kng maari po na rin po ba mag-spray(razer) para damo? Apat na pinitak kc ang maraming damo, salamat po ulit

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Pwede pong gumamit ng post-emergent herbicide. Kung iba-iba po ang damo, pwedeng gumamit ng broad-spectrum herbicide side gaya ng nominee pyanchor post herbiside at ibang katulad nito.

Bonny
Guest
Bonny

Sir, hingi po sana ng payo,, nababansot at naninilaw na batik batik ang mga dahon ng palay ko po,, 70days old ang palay po,, anu po ang maaring gawin o iapply sa palay para magamot po,, samalat

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Bonny, kung kinukulang po ang tubig o laging makulimlim sa inyong lugar maaari pong sanhi ito ng Rice Blast. Mainam po na gumamit ng fungicide para rito. Upang makaiwas naman sa Neck Rot ay gawin ang pag-spray sa umpisa ng paglabas ng bunga at dapat uliting kung 50% na ang nakalabas na bunga.

Bonny
Guest
Bonny

At sa mga damo naman po, anu po ang dapat ko gamitin para hnd po maapektuhan ang palay po,, salamat po ulit

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Kung ang mga damo po ay palay-palay o telebisyon, mas mainam po na tanggalin ang bunga nito manually para hindi maiwan o malaglag ang buto sa lupa na siyang tutubo sa sususnod na taniman. Hindi na po epektibo kung gagamit pa kayo ng gamot.

Frankie
Guest
Frankie

If the is th82 pag lipat tanim ko po ilang araw po sya bago mag lihi

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hi Frankie, ang TH82 po ay may average maturity days na 110 days, ang start po ng paglilihi nito ay 45 days mula sa pagkakapunla.

Carlo Raflores
Guest
Carlo Raflores

Gud am. Itatanong ko lang po kung hindi ba sobra ang 16 cavans na pataba sa isang hektarya sa Talugtog kapag ngayong 2nd crop at SL8 ang tanim?? Thank you po sa tul9ng.

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Carlo, mas mainam po na magkaroon ng soil analysis ang inyong lupa upang malaman ang akmang dami ng patabang ilalagay. Maaari din pong sundin ang rekomendasyon ng Rice Crop Mananger.

Derek Javelosa
Guest
Derek Javelosa

hello ang variety na tinatanim ko kay rc 214 yon lang naka pag ani sa akin ng marami yong ibang variety na 238, 216,300 ay hindi maganda ani ko..gusto ko sana lagi 214 na lamang e tanim ko kaya lang sabi ng tao ko hindi daw pwedi na lagi yon e tanim kasi ma immune ang lupa at insecto sa iisang variety lang..e plano ko every 3 cropping sana bibili ako ng registered na bago na 214 lagi..totoo ba yon dapat ba ibang variety naman itanim para hindi ma immnune ang lupa? akot ako mag subok sa iba kasi hindi… Read more »

Jennifer rodrigo
Guest
Jennifer rodrigo

Mga sirs magkano po ang rc218 n binhi, thanks po.

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Jennifer, ang presyo po ng binhi ay 38/kg kung certified seeds ang inyong gagamitin.

Dexter
Guest
Dexter

Ilang araw bago anihin ang Rc218?
Ilang araw pagkalipat tanim pwede magsabog ng abono (1st,2nd,3rd)at anong abono ang isasabog tsaka gaano kadaming abono ang dapat isabog?

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hello Dexter, and paggulang ng RC 218 ay 120 araw. In general ang pinakamainam na basehan ng pataba ay ang soil analysis ng inyong lupa. Maaaring sundin ang recommendation per ektarya kung kulang sa NPK ang lupa 4-5 bags na 14-14-14 at 1-2 bags na 16-20-0 sa ika 10-14 araw matapos maglipat tanim. Gumamit ng Leaf Color Chart (LCC) para malaman kung kailan maglalagay ng Urea. Sa panahon ng paglilihi maglagay ng 1/2 bag ng 0-0-60 at 1-2 bag na Urea.

anton
Guest
anton

Ano pong brand ng fertilizer na 16-20-0 ang may sulfur?

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Hi Anton, pwede niyo pong itry ang Philphos.

anton
Guest
anton

good day po, ask ko lang po kung yung 25-0-0 ay slow release po? meron po ba itong sulfur?
at yung 21-0-0 po ba ay slow release daw po ba yun?

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Ang 25-0-0 po ay hindi slow release at wala po itong sulfur. Ang 21-0-0 naman po ay slow release.

anton
Guest
anton

Ano pong mainam na gawin sa wet seeding o sabog tanim para dumami po ang tillers at productive tillers. salamat po

Pinoy Rice
Admin
Pinoy Rice

Madami po ang factors na kailangang iconsider para mas madami ang maging suwi. Dapat tamang seeding rate ang gamitin, nirerekominda po ang 40-80kg na binhi sa kada ektaya upang mabawasan po ang competition sa mga tanim. Maaari po kayong gumamit ng drumseeder. Sundin po ang tamang paraan ng pagpapataba.