Hello po napunta po ako dito dahil gusto ko pong pag aralan ang mga uri ng bigas, sir pinoy rice, lalo po ngayon, nag bebenta po ako ng bigas, at malaking tulong po sakin lalo sa family ko, baka sir, may mairekuminda po kayo na direct po sa mismong may ari ng bigasan o miller para mas malaki pong tulong samin. Salamat sir pinoy rice mabuhay po kayo.
Magandang araw po, wala po kaming mga directory ng mga miller or suplier ng bisa. We suggest po na magpost online sa facebook or other platforms. Pwede rin po kayong humingi ng tulong sa NFA sa mga listahan ng kanilang accredited millers or traders ng bigas.
Guest
Romar
Salamat admin more power Godblessed 🌾🌾🌾
Guest
Jay arnold Agasid
Masama ba sa palay ang patabaan po ito ng walang tubig…pero umulan naman po kinagabihan
Magandang araw po, depende po sa sitwasyon, kung tuyo ang lupa at maaraw bago mag apply ng pataba ay mataas ang posibilidad na sumingaw sa hangin ang sustansya na taglay ng pataba lalo na ang nitrogen, kaya mainam na may sanap sanap na tubig ang lupa bago mag apply upang maging episyente na magamit ng palay. Kung naulanan naman po ang pataba ay mas mabilis na malulusaw, dapat lamang na nakasarado ang mga lagusan ng tubig para hndi maitangay ang pataba.
Guest
MARK ANTHONY AGBANLOG GARCIA
Goodmorning po, almost 1 week na pong nababad ung palay na kalilipat tanim sa tubig dahil sa tibdi ng ulan. Tanong ko po, mabubulok ba ito ng 1 week o magsusurvive pa po??
Magandang araw po, kung kakatanim pa lang ang palay at stressed ang mga punla ay maaaring mabulok ang mga ito. Pero kung nakarecover na s atransplanting shock ang mga punla at malinaw naman ang tubig baha ay maaari pa pong makarecover sa pagkakalubog. Pero kung mahigit 1 linggo na totally nalubog ang punla ay mataas ang tsansa na mabulok ito.
Guest
Jariel mraz
Sir about po sa tamang pag apply ng pag aabuno ask ko lang po ano po ang tama sa pangalawa po na pag aabuno 160 po ung variety ng palay.. Bali hindi po nag start ng basal bali 36days napo ung palay ko
Magandang araw po, kung nakapaglagay naman na po kayo ng unang abono sa 10-14 DAT ay maaari na pong magdagdag ng patabang mataas ang nitrogen gaya ng Urea o ammonium sulfate 20-25 days after transplanting. Sapat na po ang 1-2 bags or 2-4 bags ng 21-0-0-24S sa kada ektarya.
Guest
Maria Cruz
Hello po,
May tanong Po ko. Ung Bigas (with husk) Po na ibebenta sana namin kaso nangitim po ung bigas. Safe pa po ba kainin pag nangitim ung bigas? Niluto po namin ung iba eh okay naman po ung pagkaluto tyaka walang amoy. Medyo maitim nga lang ang itsura ng kanin. Ano po kaya sanhi bakit nangitim? Dahil ba hindi na-dry ng maigi?
Magandang araw po, may ilang sanhi ng pangingitim ng butil ng palay. Maaaring hindi agad nagiik ang inaning butil kaya nagkaroon ng pagiinit ang mga nakakamadang ginapas kaya nangitim, Maaari din na hindi kaagad naibilad ng maigi ang na thresher na palay kaya nagkaroon ng pagiinit sa loob ng sako kaya nangitim ang palay. Maaaari din na ang variety na gamit nyo ay katangian talaga na makutim ang bigas gaya ng NSIC Rc480 na ang bigas ay medyo makutim, pero ok naman ito kapag sinaing.
Guest
Justine
Hello po sir. Tanong ko lang po kung matibay po ung variety na rc 216 sa peste/tungro at malakas na hangin?
Hello Justine, Ang mga katangian po ng NSIC Rc216 (Tubigan 17) Karaniwang ani kung lipat tanim 6t/ha hanggang 9.70 t/ha, karaniwang taas 96 sm. May paggulang na 112 araw kung lipat tanim. Nasa gitna ng matibay at mahina sa bacterial blight. Mahina sa blast, tungro. Medyo matibay sa BPH, GLH. Kung Sabog tanim, karaniwang ani ay 5.7 t/ha hanggang 9.3 t/ha, karaniwang taas 92 sm. May paggulang na 104 araw kapag sabog tanim. May 69.2% porsyento ng bigas. Mahaba ang butil. Katamtaman ang lambot pag naluto.
Guest
lyn
Hello po sir.Tanong ko lang po kong ilang araw pwede mag abono ng Top Dress sa direct seeded po, RC216 variety at kong anong abono ang angkop dito sa 1/4 hec.Salamat po
Magandang araw po, mainam na ilagay ang topdress o ang huling pataba sa araw bago maglihi ang palay nyo. Sa NSIC Rc216 ay mainam po ilagay sa ika 49-56 days after sowing. Mainam po na ilagay ang Urea at 0-0-60. Para sa 1/4 ektarya ay sapat na po ang 15-25 kg na urea at 10-15 kg na 0-0-60.
Para sa karagdagang katanungan at kasagutan, maari po tayong tumugon sa Philrice Text Center sa numerong 0917-111-7423 maraming salamat po
Guest
Rowel Macasinag
Good evening po ask ko lang kung paano po ang tamang appliction ng fertilizer para sa nsic 480
Magandang araw,In general ang pinakamainam na basehan ng pataba ay ang soil analysis ng inyong lupa.Maaring sundin ang recommendation per ektarya kung kulang sa NPK ang lupa 4-5 bags na 14-14-14 at 1-2 bags na 16-20-0 sa ika 10-14 araw matapos maglipat tanim. Gumamit ng leaf color chart para malaman kung kailan mglalagay ng urea. sa panahon ng paglilihi maglagay ng .5 bag ng 0-0-60 at 1-2 bag na urea.
Para sa karagdagang katanungan at kasagutan, maari po tayong tumugon sa Philrice Text Center sa numerong 0917-111-7423 maraming salamat po
Guest
mac
Gud am.mgtanong lng po kung mbibigyan nyo aq ng payo tungkol sa pgspray ng pamuksa insekto anu po kayang pinakamainam na oras sa mghapon para sa pagsasagawa nito
Magandang araw, maari po tayong tumawag sa Philrice Text Center sa numerong 0917-111-7423 para sa mas detalyadong pamamaraan para sa pagpuksa ng insekto sa ating palayan.
Guest
Mac
gud pm po.Rc 218 po ang variety ng aking palay nka 42 days npo sya ngaun. ask qlang po kung kailan ang huling sabog ng fertilizer? anung mainam n klase at ilan sakong fertilizer pra sa 1.2hectare na palayan..
Magandang araw po, mainam po na ilagay sa huling pataba ay ang nitroheno at potassium. Maaari pong gumamit ng 1.5 -2 bags ng urea at 0.5-1 bag na 0-0-60 per ektarya. Para sa karagdagang kasagutan, maari po tayong tumugon sa Philrice Text Center sa numerong 0917-111-7423. Maraming salamat po
Guest
Mac
gud pm.44 days npo ang palay.hangang anung bilang po kaya maari itong sabugan ng abono
Magandang araw po, ang NSIC Rc218 ay may 120 days average maturity, ang pinakamainam na mailagay na ang lahat ng pataba sa ika 55 to 62 days mula ng maipunla. Para sa karagdagang katanungan o kasagutan, maari po tayong tumugon sa Philrice Text Center sa numerong 0917-111-7423. Maraming salamat po