Rice weevils
- Ang butil na tinamaan ng bukbok ay makikitaan ng malaking butas.
- Ang mga babaeng bukbok ay nangingitlog sa binutasang butil kung saan sinasaraduhan din nila ito ng tinatawag na “egg plug” matapos mangitlog. Ito ang nagiging dahilan ng pagkasira ng mga naka-imbak na butil ng palay.
- Ang pagkasirang dulot nito ay naapapababa ng kalidad ng palay.
- Umatake sa panahon na nakaimbak na ang mga aning butil ng palay.
Pamamahala ng Rice weevils:
- Siguraduhing malinis ang mga makinaryang gagamitin sa panahon ng pag-ani gayundin ang pagiimbakang lugar upang walang pamugaran ang mga bukbok.
- Iimbak ang mga aning palay sa lugar kung saan nakakapasok ang hangin dahil mas nanatili ang mga bukbok sa mga lugar na mainit at walang gaanong hangin na pumapasok.
- I-monitor at obserbahan madalas ang imbakan gayundin ang mga inimbak na palay upang masubaybayan o maagapan ang anumang pag-atake ng mga peste.


Leave a Reply