Green Leafhoppers
- Ito ay makikita saan mang parte ng bansa
- Ang matatandang Green Leafhoppers ang nagsasalin ng tungro sa halamang palay. Ang Green Leafhoppers at ang dala nitong tungro ang sinasabing pinaka-mapanira sa lahat ng peste at sakit
Yugto ng palay kung saan madali itong kapitan ng peste/sakit:
- Panahon ng pagsusuwi
Pamamahala:
- Pumili at gumamit ng PSB RC2 o Nahalin, IR69726-29-1-2-2-2 o Matatag2, IR73885-1-4-3-2-1-6 o Matatag 9, NSIC Rc120 o Matatag6, BPI Ri1, at IR65.
- Ugaliin ang sabayang pagtatanim.
- Gumamit ng light traps upang mamonitor kung kailan ang dagsa ng peste.
- Maglagay lamang ng tamang dami ng nitrohenong pataba. Gumamit ng LCC upang matukoy kung kinakailangan magdagdag ng nitroheno.
- Mahalaga ring alisin ang mga damo sa paligid dahil maari ring manirahan ang mga Green Leafhoppers dito.
- Magtanim ng magkakaibang halaman na magkakasalitan upang mabawasan ang kanlungan ng Green Leafhoppers.
- Gumamit lamang ng pestisidyo kapag kinakailangan. Sumangguni muna sa eksperto bago mag-ispray.


Leave a Reply