Hakbang sa Pagsasabog-tanim sa basang lupa ( Direct Seeding Method )

in Keycheck3 Crop Establishment-tagalog

1. Gumamit ng barayti na angkop sa pagsasabog-tanim sa basang lupa.

2. Ihandang mabuti ang bukirin para magkaroon ng paunang simula ang pananim kaysa sa mga damo. Ang mga damo ay higit na matibay sa sabog-tanim sapagkat tumutubo sila kasabay ng mga pananim.

3. Pagkatapos mababad ng 24 oras at makulob ng 24-36 oras, patuyuin sa pamamagitan ng hangin ang mga buto bago ang pagpupunla para sa mas madaling pagsasabog. Gumamit ng 40 kilo kada ektarya.

4. Sa panahon ng pagsasabog, panatilihinng basa ang lupa ngunit huwag hayaang magkaroon ng naipong tubig.

5. Saglit na patubigan ang palayan, 3 araw matapos ang pagsasabog upang mapanatili na basa ang lupa.

6. Maaaring maglagay ng pamatay-damo 5-6 araw pagkatapos ng pagsasabog para sa epektibong pagkontrol ng damo.

7. Maglagay ng pre-emergence herbicide batay sa rekomendasyon ng pagawaan para sa mas epektibong pagkontrol ng mga damo.

8. Kung kinakailangan, magdamo sa ika 20-25 araw matapos magsabog-tanim upang maalis ang mga damong nakaligtas sa gamot o kaya ay gumamit ng post-emergence herbicide.
Download Hakbang sa Pagsasabog-tanim sa basang lupa ( Direct Seeding Method )

Are you satisfied with the material?
  • Yes (30)
  • No (6)

2
Leave a Reply

avatar
1 Comment threads
1 Thread replies
1 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
2 Comment authors
adminJoseph L Nabutel Recent comment authors
  Subscribe  
Notify of
Joseph L Nabutel
Guest
Joseph L Nabutel

A blessed day to all. Ako po a isang baguhang magsasaka dito sa bayan ng Maria Aurora, Aurora. Gusto ko lamang pong i-confirm iyong quantity ng punla na nararapat bawat ektarya gamit po ang SABOG TANIM. Dito pa sa aming lugar ang quantity po na ginagamit ay karaniwang 3 o 4 na sako ng punla (40 kgs per sako) o katumbas ng 120 – 160 kgs per hectare. Subalit ayon po dito sa inyong informative material ay 40 kgs lamang bawat ektarya. Kaya po gusto ko po i-confirm sa inyo kung ilan nga ba ang nararapat na punla bawat ektarya… Read more »

Previous post:

Next post: