Palaycheck - Variety and seed selection

HYBRID RICE

  • Ang binhi ng hybrid na palay ay nabubuo sa pamamagitan ng cross pollination na kung saan ang polen mula sa bulaklak ng isang barayti ng palay (R line) ay nalalaglag sa istigma ng bulaklak ng ibang barayti (A-line)
  • Magkatabing itinatanim ang mga magulang ng palay at ang polinasyon ay isinasagawa sa paraang natural at artipisyal. Ang R-line ay katulad din ng ibang inbred ngunit, may katangian ito na makapagbigay ng hybrid vigor. Samantala, ang A-line naman ay isang uri ng barayti na sterile ang polen. Kinakailangan ang polen sa ibang barayti o halaman (R line) upang makabuo ng butil. Sa A-line na halaman nabubuo ang binhi ng hybrid na palay.
  • Kailangan magpalit muli ng bagong binhi ang magsasaka para sa susunod na taniman

INBRED RICE

  • Ang mga ito ay may bulaklak ng palay na pambabae at panlalaki na nagbibigay daan sa pagbuo ng butil sa pamamagitan ng self-pollination o inbreeding. Ang self-pollination o inbreeding ay ang paglaglag ng polen sa istigma ng bulaklak ng iisang halaman.
  • Maaaring itanim ang mga inaning inbred na palay sa susunod na mga panahon ng taniman na walang gaanong kabawasan sa ani.

 

Download Hybrid rice

Are you satisfied with the material?
  • Yes (18)
  • No (3)

Previous post:

Next post: