Key check 7 – Pamamahala ng peste

in Keycheck7 Pest Management-tagalog

Key check 7 - Pamamahala ng peste

Ang pamamahala ng peste ay bahagi ng pagtatanim ng palay. Ang kaalaman sa interaksiyon ng palay sa mga may buhay na nakaaapekto sa kanyang paglaki (biotic factors), kapaligiran (agro-ecosystem), at sistema ng pangangalaga ng tanim ay tiyak na makatutulong para maunawaan ang kakayahang makapaminsala ng mga peste.

Pagtataya sa Key Check
Hindi bumaba ang ani sanhi ng mga pesteng kulisap, sakit, damo, daga, kuhol at ibon. Malaki ang pinsalang nagawa ng mga peste kung ito ay tulad ng isinasalarawan sa Talaan 4, Talaan 5, at Talaan 6.

Talaan 4. Mga pinsala ng daga, kuhol, damo at ibon na may kinalaman sa malaking pagbaba ng
ani.

Daga Kuhol
5% ng tanim o higit pa ay may sirang suwi magmula sa huling pagsusuwi hanggang paggulang 10% ng tanim o higit pa ay nawawalang ng tanim o nakain ng kuhol 14 ALT o AST
Damo Ibon
10% ng tanim o higit pa ay may damo 15 o 30 ALT o AST 5% ng mga uhay mg palay o higit pa ay sinira ng ibon


Talaan 5. Mga pinsala ng mga pesteng kulisap na may kinalaman sa malaking pagbaba ng ani.

Yugto ng paglaki Stemborer(SB)
Punlaan >= 5 egg-masses kada metro kuwadrado (kaso sa Mindanao)
Maagang Pagsusuwi >= 30% ang may patay na suwi
Gitna hanggang pinakamataas na pagsusuwi/td> >= 1% eggmass kada metro kuwadrado
Pamumulaklak >= 20% ang may puting uhay
Pagmamalagatas >= 20% ang may puting uhay
Paglalaman ng butil >= 20% ang may puting uhay
Paggulang >= 20% ang may puting uhay

 

Yugto ng Paglaki Rice Black Bug(RBB)
Punlaan Wala
Maagang Pagsusuwi >= 10% (nymph at adult) at >= 20% ang may patay na suwi
Gitna hanggang pinakamataas na pagsusuwi >= 20% (nymph at adult) at >= 30% ang may patay na suwi
Pamumulaklak >= 20% (nymph at adult) at >= 20% ang may puting uhay
Pagmamalagatas >= 20% (nymph at adult) at >= 20% ang may puting uhay
Paglalaman ng Butil >= 20% (nymph at adult) at >= 20% ang may puting uhay
Paggulang >= 20% ang may puting uhay

 

Yugto ng Paglaki Brown Planthopper(BPH) o White-backed Planthopper(WBPH)
Punlaan Wala
Maagang Pagsusuwi >= 25 ng lahat ng yugto ng insekto kada tundos
Gitna hanggang pinakamataas na pagsusuwi >= 50 ng lahat ng yugto ng isekto kada tundos
Pamumulaklak >= 50 ng lahat ng yugto ng insekto kada tundos
Pamamalagatas kaunti lamang
Paglalaman ng butil kaunti lamang
Paggulang kaunti lamang

 

Yugto ng Paglaki Rice Bug(RB)
Punlaan Wala
Maagang Pagsusuwi Wala
Gitna Hanggang pinakamataas ng pagsusuwi Wala
Pamumulaklak Pwedeng Baliwalain
Pamamalagatas >= 5 atangya kada metro kuwadrado
Paglalaman ng butil >= 10 atangya kada metro kuwadrado
Paggulang >= kaunti lamang

Mga Rekomendasyon Upang Makamit ang Key Check

  • Magtanim ng mga binhi na mataas ang resistensya sa peste at sakit na karaniwan sa lugar. Ang paggamit ng maresistensyang barayti ang siyang pangunahing depensa sa pamamahala ng peste at angkop sa maka-kalikasang pagkontrol ng peste. Magpalit o maghalili ng barayti tuwing ikalawa hanggang ika-apat na taniman para maabala ang paglaganap ng mga pesteng kulisap at mga sakit, at sa gayon ay maiwasan ang pagdami ng mga pesteng kulisap at mapaminsalang organismo na nagdadala ng sakit.
  • Ipatupad sa komunidad ang sabayang pagtatanim matapos pagpahingahin ang lupa o fallow period.
  • Pangalagaan ang mga kapaki-pakinabang na organismo. Maraming kapaki-pakinabang na organismo na nakapaligid sa palayan na maaaring gamiting pamalit sa pestisidyo. Ang walang humpay o walang tigil na paggamit ng mga pestisidyo ay sumisira sa balanse ng tamang dami ng mga pesteng kulisap at kaibigang organismo. Ang pangangalaga sa mga kaibigang organismo ay ligtas, pinakamura, at pang-matagalan. Halimbawa, ang mahabang sungot na tipaklong o grasshopper ay kumakain sa mga kumpol na itlog ng stem borer at ang mga gagamba naman ay kumakain ng mga inakay at matatandang ngusong kabayo at hanip.
  • Pagkilala sa mga peste
    Kung ang isang pesteng kulisap o sakit ay hindi tiyak na makilala, sumangguni sa mga espesyalista sa peste (entomologist/plant pathologist) upang makilala ang mga organismo at malaman ang mga dapat isagawa hinggil dito tulad ng paggamit ng mga pestisidyo, biological agent, o kultural na pamamaraan.

 

Download Key check 7 - Pamamahala ng peste

Are you satisfied with the material?
  • Yes (29)
  • No (6)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: