Rice Duck Technology

in Keycheck7 Pest Management-tagalog

Rice Duck Technology

Ang rice-duck technology ay isang paraan sa integrated farming na nakapagbibigay ng karagdagang kita sa mga magsasaka at nakatutulong sa pamamahala ng climate change.

Ang pag-aalaga ng mga itik o pato sa palayan ay sinimulan ng mga tao sa Asya ilang libong taon na ang nakararaan. Taong 1988 nang maging moderno ang pag-aalaga ng mga itik o pato sa palayan sa pangunguna ni Dr. Takao Furno ng Japan. Noong 2011, sinimulan naman ng PhilRice na pag-aralan ang rice-duck technology

Mga benepisyo sa paggamit ng rice-duck technology

  • Pinupuksa ng mga pato ang mga insekto, golden apple snail, at mga damo sa palayan
  • Ang paggalaw ng mga pato o itik ay nagpapalago ng root system. Mas madaling makukuha ng palay ang mga sustansya sa lupa
  • Nagbibigay ito ng karagdagang sustansya sa lupa at sa pananim
  • Nagbibigay ng karagdagang kita sa mga magsasaka
  • Nakakapagpataas ito ng ani

Mga hakbang sa pagsasagawa ng rice-duck technology

1. Sa isang ektarya, maaaring mag-alaga ng 500-1,000 pato. Iba’t-iba ang uri ng mga pato na maaaring alagaan sa bukid. Ilan sa mga ito ay ang mallard duck o itik at muscovy duck o bibi/pato.

2. Sampu hanggang labinlimang araw matapos ang pagsilang ng mga pato, maari silang pakawalan 10-20 araw matapos ang paglilipat-tanim.

3. Alisin ang pato sa palayan kapag nasa heading stage na ang palay.

Download Rice Duck Technology

Are you satisfied with the material?
  • Yes (35)
  • No (1)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: