Alternate Wetting and Drying(AWD)

in Keycheck6 Water Management-tagalog

Alternate Wetting and Drying(AWD)

Ito ay isang proseso ng kontroladong pagpapatubig na nakatitipid at nakaiiwas ng sobrang pagpapatubig sa panahon ng pagpapalaki ng palay. Kinukondisyon nito ang lupa para sa mas magandang pagtubo ng mga ugat at balanseng sustansiya ng lupa. Ginagamitan lamang ito ng observation well na gawa sa biyas ng kawayan o PVC.

Paggawa ng observation well
1. Kumuha ng isang biyas ng kawayan na walang buko o kaya ay PVC na tubo. Putulin ito sa haba na 25 sm at dayametro na 10 sm.

2. Mula sa pinakaitaas na bahagi ng kawayan o PVC, sumukat ng 5sm. Maglagay ng paikot na marka at sulatan ng tag-ulan o WS. Mula sa markang WS , sumukat muli ng 5 sm. Markahan ng paikot at sulatan ng tag-araw o DS .

3. Butasan ang kawayan o PVC gamit ang 3-5 mm laki ng pambutas (drill bit). Panatilihin ang 5 sm na agwat ng mga butas. Ulitin ito hanggang sa bandang ilalim ng tubo.

Paglalagay ng observation well
1. Pumili ng pinitak na maaaring kumatawan sa kabuuan ng inyong bukid. Maaaring ito ay ang una hanggang ikalawang pinakamataas na pinitak.

2. Ipwesto ang observation well 1-2 m ang layo mula sa pilapil upang madaling masilip ang loob nito.

3. Patayong ibaon ang observation well sa lupa at hugutin ito. Tanggalin ang naipong putik.

4. Ulitin ang proseso ng pagbabaon sa lupa hanggang umabot sa markang WS kapag tag-ulan o markang DS kapag tag-araw.

5. Ayusin ang observation well nang patayo at siguraduhing ang mga marka ay pantay sa lupa.

Dapat tandaan sa AWD
1. Simulan ang AWD 21-30 araw pagkatapos ng lipat-tanim o sabog-tanim at pag naisagawa na ang pamamahala ng damo.

2. Kung tag-ulan, magpatubig hanggang sa pinakataas ng tubo o kawayan. Kung tagaraw, magpatubig hanggang sa 5 sm mula sa lupa o sa markang WS.

3. Palaging bisitahin ang observation well. Magpatubig lamang kung walang nakikitang tubig sa observation well.

4. Ihinto ang AWD sa panahon ng pag-aabono at kung walang tubig sa ibabaw ng lupa. Magpatubig ng 3-5 sm na lalim ng tubig isang araw bago magabono.

5. Sa panahon ng pamumulaklak, panatilihin ang 5 sm na taas ng patubig upang maiwasan ang tulyapis o unfilled grains dulot ng kakulangan sa tubig.

6. Ihinto ang pagpapatubig 1 linggo bago umani sa lupang mabuhangin o galas at 2 linggo naman sa lagkiting lupa.
Download Pagkolekta ng lupa para sa laboratory soil analysis

Are you satisfied with the material?
  • Yes (45)
  • No (3)

2
Leave a Reply

avatar
1 Comment threads
1 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
2 Comment authors
adminNecolei Recent comment authors
  Subscribe  
Notify of
Necolei
Guest
Necolei

Mas maganda sana with photo ang instruction. Tdaka ano po ang mga metric na ginamit (SM)? Sentimetro?

Previous post:

Next post: