Sa pagpapatuyo ng palay gamit ang mechanical dryers, mahalaga ang pagkamit ng tamang temperatura. Ang mainit na hangin na dadaloy sa bunton ng butil ay dapat hindi lalampas sa 430℃. Ilan sa mga halimbawa ng mechanical dryers ay Maligaya Flatbed Dryer, Reversible Flatbed dryer, at marami pang iba.
Nakabubuti at Di Nakabubuting dulot ng Mekanikal na Pagpapatuyo
Nakabubuti
- Makasisiguro sa kalidad ng inaning mga butil dahil mababawasan ang mga pinsalang dala ng panahon gaya ng nangyayari sa pagpapatuyo sa araw.
- Nagpapababa ng porsiyento ng mga nasasayang na butil sa pag-aani, gaya ng pagkalamat ng butil, pagkatapon, at mga nadurog na butil.
- Nagpapababa sa pagdepende sa kalagayan ng panahon para mag-ani.
- Mas maraming oras na ang mailalaan sa mga gawain pagkatapos mag-ani katulad ng pagpapakete, pag-iimbak, , at iba pa.
- Mas kaunting manggagawa lamang ang kailangan.
Di Nakabubuti
- Mataas na gastos para sa mga kagamitan sa pagpapatuyo at taunang gastos sa pagmamay-ari.
- Dagdag na gastos para sa kuryente at panggatong.


430*C? Hindi po ba sobrang init na nito?
Magandang araw po, 430℃ po ay sobrang init. Kaya po nirerekomenda po natin na hindi lalagpas ang init na 430℃ sa pagpapatuyo ng palay. Para sa karagdagang kasagutan maari po tayong tumugon sa PhilRice Text Center sa numerong 0917-111-7423. Maraming Salamat po
Magkano po?
Hello Azee, Narito po ang presyo ng Maligaya flatbed dryer machine:
4-ton Blower and furnace = Php 120,000.00
8-ton Blower and furnace = Php 165,000.00
Pero kung kasama bin at shed, and price range ay nasa Php 650,000.00 – 1,050,000.00.
Maraming salamat.