Ang pag-iimbak ay may mahalagang papel sa pagsisigurong may magagamit tayong binhi, butil o di kaya bigas upang tugunan ang pangangailangan anumang panahon. Inaasahan ding ito ay magiging pantugon natin sa hindi inaasahang mga pangyayari tulad ng tagtuyot, baha, at digmaan.
Mga Dapat Tandaan
1. Ang mga butil ng palay, na sentisitibo sa temperatura at halumigmig (relative humidity o RH), ay dapat patuyuin (hindi tataas sa 14% moisture content o MC) at linisin ng wasto. Ang RH ay inaalam sa pamamagitan ng tinatawag na wet and dry bulb method gaya ng nakukuha mula sa psychrometric chart.
2. Kung ang temperatura at halumigmig ay mapananatiling mababa (halimbawa, 25-30℃ na temperatura at hindi bababa sa 50% na halumigmig at 14% MC), ang embriyo na nasa loob ng butil ay mananatiling tulog. Kaya, maaari itong iimbak nang matagal na panahon. Ang bigas mula sa palay na may mataas na antas ng pagsibol ay may mas mataas na halaga kaysa sa palay na may mababang antas ng pagsibol dahil sa amag o iba pang nagdudulot ng sakit, pagbaba ng pagsibol o pagkakaroon ng lamat sa loob ng mga butil.
3. Upang mapanatili na nasa 14% MC, imbakin ang mga ito sa taguang may temperaturang naglalaro mula 25-30℃ at halumigmig na mula 60-61%.
4. Kung ang palay ay iiimbak sa temperaturang 15℃ na may 70% MC, ang 14% MC sa butil ay magiging 17%. Ibig sabihin, maaaring makasipsip ng tubig ang mga butil sa imbakin at hindi ito mainam dahil magiging sanhi ng pagkasira ng butil.
Tandaan:
- Kahit ang mga butil ay imbaking tuyo at may 14% MC, ang pagkasira ay maaari pa ring mangyari lalo na kung tataas ang halumigmig sa loob ng imbakan. Ang pagkakaiba sa temperatura at MC ay magiging sanhi upang mag-init ang palay sa loob ng sako at magkaroon ng amag na sisira sa mga butil ng palay. Inilalagay ang 50 kilo ng palay sa isang plastik na sako at inimbak sa isang saradong bodega upang hindi mabasa ng ulan
- Kung ang palay ay iimbakin ng lampas sa tatlong buwan, ang mga salansan ay dapat nakalagay sa hermetic storage upang makontrol ang pag-atake ng mga peste.


Leave a Reply