Ang maagang pagaani ay nagdudulot ng pagkapulbos ng mga butil at ang huling pag-aani naman ay nagreresulta sa sobrang pagkatuyo kung kaya’t nadudurog ang mga butil.
Tamang Paraan ng Pag-aani
- Bago mag-ani, huwag nang magpatubig 10-14 araw bago mag-ani.
◊ Mas maganda ang kalidad ng palay at mas mabilis at madali ang pag-aani kung tuyo ang bukid
lalo na kung gagamit ng makina.
◊ Maiiwasan din ang pagkabasa ng mga butil at mas mababa ang halumigmig na siyang nakasisira
sa palay kung tuyo ang bukid bago umani. - Igsian lamang ang putol sa uhay kung de-makinang panggiik ang gagamitin at habaan naman kung hampasan.
- Iwasang iwanan sa bukid ang palay ng mahigit sa isang araw upang di masobrahan ang pagkatuyo ng palay na nasa ibabaw ng bunton


Leave a Reply