Pamamahala ng peste ng hybrid

in Keycheck7 Pest Management-tagalog, Oplan iwas peste

Pamamahala ng peste ng hybrid

Berdeng Ngusong Kabayo o Green Leafhopper (GLH)

Ang matatandang GLH ang nagsasalin ng tungro sa halamang palay. Ang GLH at ang dala nitong tungro ay sinasabing pinakamapanira sa lahat ng peste at sakit.

Delikadong yugto ng palay: panahon ng pagsusuwi

Pamamahala ng GLH
1. Ugaliin ang sabayang pagtatanim.

2. Gumamit ng light traps upang maobserbahan kung kailan ang dagsa ng peste.

3. Maglagay lamang ng tamang dami ng nitrohenong pataba. Gumamit ng leaf color chart upang matukoy kung kinakailangang magdagdag ng nitroheno.

4. Mahalaga ring alisin ang mga damo sa paligid dahil maaari ring manirahan ang mga GLH dito.

Kayumangging Ngusong Kabayo o Brown Planthopper (BPH)
Sinisipsip nila ang katas ng palay na nagiging sanhi ng pagkatuyo o hopperburn kung sobrang dami nila.

Nagdadala rin ito ng sakit na virus kagaya ng grassy at ragged stunt.

Pamamahala ng BPH
1. Paramihin ang mga kaibigang organismo tulad ng putakti, gagamba, pagongpagongan, berdeng atangya and water bugs na kumakain at nagpapababa ng populasyon ng mga pesteng insekto tulad ng BPH.

2. Iwasan ang paglalagay ng madaming nitroheno.

3. Patuyuan ng 3-4 na araw ang palayan kung madami ang populasyon ng BPH.

4. Magtanim at mag-ani nang sabay-sabay.

5. Ipahinga ang lupa sa loob ng isang buwan.

6. Magtanim ng palay hanggang 2 beses lamang kada taon at gumamit ng pa-agang binhi.

7. Iwasan ang sobrang paggamit ng pestisidyo dahil sa panganib na dulot nito sa tao at kapaligiran. Hindi lamang peste ang maaaring mamatay sa pag-spray nito. Kasabay rin nilang mamamatay ang mga kaibigang organismo.
Download Pamamahala ng tungro

Are you satisfied with the material?
  • Yes (9)
  • No (2)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: