Rekomendadong Pagpapataba batay sa pagsusuri ng MOET

in Keycheck5 Nutrient Management-tagalog

Rekomendadong Pagpapataba batay sa  pagsusuri ng MOET

Ang pag-aaplay ng pataba sa palayan ay nakatutulong sa magandang paglaki ng palay, pagbuo ng mga uhay, at pagkamit ng pinakamataas na ani na kaya ng barayti kaya naman mainam na masubaybayan ang tamang nutrisyon ng palay simula sa pagsusuwi hanggang paglilihi at pamumulaklak. Madalas nagiging pandak, naninilaw at hindi masigla ang palay na may kakulangan sa nutrisyon.

Kulang na elemento 10 araw pagkalipat-tanim (14 araw kung nag-dapog) o 20 araw pagkasabog-tanim Gitnang bahagi ng pagsusuwi Paglilihi
N 1 sako ng urea Urea ayon sa basa ng LCC Urea ayon sa basa ng LCC
N at S 2 sako ng ammonium sulfate Urea ayon sa basa ng LCC Urea ayon sa basa ng LCC
N at P 2.5 bags ng ammophos Urea ayon sa basa ng LCC Urea ayon sa basa ng LCC
N at K 1 sako ng urea at 0.5 sako ng muriate of potash (0-0-60) o ng 2.5 bags ng 17-0-17 Urea ayon sa basa ng LCC 3 sakong 17-0-17
N, P, at K 3 sako ng 14-14-14 Urea ayon sa basa ng LCC 3 sako ng 17-0-17 o 2 sako ng urea at 0.5 sako ng muriate of potash (0-0-60)
N, K, at S 2 sako ng ammonium sulfate (21-0-0-24) at 0.5 sako ng muriate of potash Urea ayon sa basa ng LCC Urea ayon sa basa ng LCC at 0.5 sako ng muriate of potash (0-0-60)
N, P, at S 2.5 sako ng ammophos (16-20-0 Urea ayon sa basa ng LCC Urea ayon sa basa ng LCC
N at Zn 1 sako ng urea para sa buong ektarya at maglagay ng zinc sulfate sa mga parteng may senyales ng kakulangan sa zinc* Urea ayon sa basa ng LCC Urea ayon sa basa ng LCC
N at Cu 1 sako ng urea para sa buong ektarya at maglagay ng copper sulfate sa mga parteng may senyales ng kakulangan sa
copper***
Urea ayon sa basa ng LCC Urea ayon sa basa ng LCC
Eve Jackson 94 50

* LCC- Leaf Color Chart
** Mas mura at praktikal kung isasawsaw na lang sa 2% (20g/L) zinc oxide suspension ang ugat ng mga punla bago maglipat-tanim o kaya ay mag-spray ng 2% (20g/L) zinc sulfate sa punlaan 2-3 araw bago maglipat-tanim. Maglagay pa ng 20-25 kg ng zinc sulfate kung may kakulangan pa sa zinc sa loob ng tatlong lingo pagkatanim.
*** Mas mura at praktikal kung mag-spray na lang ng 0.4% (4g/L) copper sulfate sa punlaan 2-3 araw bago maglipat-tanim.

 

Download Rekomendadong Pagpapataba batay sa pagsusuri ng MOET

Are you satisfied with the material?
  • Yes (2)
  • No (0)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: