Rice Blast o Mata mata

in Keycheck7 Pest Management-tagalog

Rice Blast o Mata mata

Ang Rice Blast o pamumutok ng palay ay isa sa mga pangunahing sakit na nakikita sa halamang palay.  Ito ay maaaring makaapekto sa dahon, pinakapuno ng uhay, buko, at batok ng uhay.  Kung ang palay ay naapektuhan na ng blast, ang mga hiwa o sugat sa dahon ay kapansin‐ pansing kulay abo sa gitna, nangingitim ang palagid at hugis dyamante (malaki sa gitna at papaliit sa mga dulo).  Ang sintomas ng dahon ay pareho sa sakit na Brown Spot.  Subalit kapag ang blast ay umatake sa mga bukong na nasa tangkay, maaari itong mapagkamalan na pinsalang dulot ng mga daga.

Local names:   mata‐mata (Tagalog), agupaw (Waray) taya‐taya (Cebuano in Mindanao)

Causal organism:   Pyricularia oryzae   (telemorph Magnaporthe oryzae)

Bakit kailangang kontrolin ang rice blast?
Ang blast ay isang pangunahing sakit ng halamang palay sa parehong lupang bana at katihan, lalo na sa mga lugar na may angkop na kondisyon gaya ng mataas na halumigmig sa kapaligiran (hal. maulap at maulan), mahabang pagkabasa ng mga dahon, at matataas na antas ng kakayahang magbunga. Kapag naapektuhan na ng blast ang halamang palay, nagdudulot ito ng matinding pinsala at pagkalugi – may mga pagkakataon din (subalit ito ay napaka bihira lamang) na umaabot ng 100 porsyento ang pagkasirang dulot ng sakit na ito.

Paraan ng pangagalaga:

  • Pagtatanim ng mga resistant varieties o barayti ng palay na matatag laban sa blast.  Ito ang pinakapraktikal at matipid na paraan ng pagpigil nito.
  • Ang maagang pagpupunla ng pananim ay iminumungkahi dahil ang mga huling napunlang halaman ay maaaring mahawaan na ng inoculum (bagay, katulad ng mga itlog o uod ng insekto, na siyang nakakapagdulot ng impeksiyon o impestasyon).  Ang inoculum ay nagmumula sa mga unang naipunlang katabing pananim.
  • Gumamit ng balanseng pangangalaga sa nutrisyon ng halaman.  Ang sobrang paggamit ng pataba o abono (lalo na ng nitroheno) ay maaaring magdulot ng sobrang paglago ng halamang palay.  Ang paglago na ito ay siya namang maaaring magpataas ng halumigmig sa kapaligiran at pagkabasa ng mga dahon ng.  Ito ay maaaring makapagpataas ng impeksyon.  Nirerekomenda ang pagsasagawa ng hatiang aplikasyon ng nitroheno – base sa aktwal na pangangailangan ng halamang palay ay para  hindi lumala ang naturang sakit.
  • Ang pagtatanim ng salitan (inter‐planting) ng mga resistant at susceptible na barayti (mga barayting madaling kapitan o pinsalain) ay makapagpapababa ng impeksyon ng mga susceptible na pananim.  Ito ay matagumpay na nagawa sa Timog Tsina kung saan apat na hilera ng resistant na barayti ang ipinunla kada isang hilera ng susceptible  na barayti ng halamang palay.
  • Ang mataas na  lebel ng sustansyang  silica sa halaman ay nakakapigil sa pagkakaroon ng rice blast.  Ang lupang mababa ang silicon ay maaaring maremedyohan  sa pamamagitan ng paglalagay ng calcium silicate slag; ngunit ito ay maaring maging magastos.

 

Download Rice Blast o Mata mata

Are you satisfied with the material?
  • Yes (8)
  • No (0)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: