Sheat Blight – Tagalog

in Keycheck7 Pest Management-tagalog

Sheat Blight - Tagalog
  • Ang sheath blight ay bunga ng isang anyo ng amag na tumutubo sa halaman.
  • Ito ay sakit ng palapa ng palay na sanhi ng amag.
  • Unang naapektuhan ang panlabas na talukap ng dahon ng palay at lumalawak ito hanggang sa umabot na ang panloob na talukap na dahon ng palay.
  • Umaabot ng 40 porsyentong pagkalugi sa ani ang palayang tinamaan ng sakit na ito.

Yugto ng palay kung saan madali itong kapitan ng sakit:

  • Umaatake sa kalagitnaan ng pagsusuwi hanggang sa paggulang ng palay. Sa panahon ng paglilihi hanggang sa pamumulaklak ng palay nagiging kritikal ang epekto nito sa palayan.

Pamamahala:

  • Maglagay lamang ng sapat na nitrohenong pataba.
  • Linisin lagi ang paligid ng palayan upang mapigilan ang pagkalat ng amag.
  • Gumamit ng fungicide kung kinakailangan lamang.
  • Bago magtanim, araruhin ng mabuti ang palayang tinamaan ng sheath blight upang maiwasan na ang pagkalat nito sa susunod na taniman.

 

Download Sheat Blight - Tagalog

Are you satisfied with the material?
  • Yes (2)
  • No (0)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: