Rice Talk

rice-talk-icon-questions-just-text-call-or-chat-us

Rice Talk

Questions on Rice? Chat with us!

1111
Leave a Reply

avatar
486 Comment threads
625 Thread replies
28 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
330 Comment authors
adminRemelyn ArevaloJosephChyJohn Recent comment authors
  Subscribe  
Notify of
jhong
Guest

good day sir, kelan kaya available certified inbred seed nyo? Rc 82 sana balak k itanim this wet season (hopefully by the last week of May itanim). thnx

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Jhong, so far ay wla po kaming available na Certified seeds, hndi po kasi kami ngpproduce ng certified seeds, usually ay foundation and registered seeds ang aming produce para po sa mga seed growers. Ang Available seeds at PhilRice Nueva Ecija as of 1/6/16 FS(P80/kg)Rc10,120,14,82,360,392,298,238,352,18,300,358,352,308,15;RS(P42.50)Rc192,118,242,14, 82,392,27,298,11,214,238,23,226,68.Sa mga registered seeds po ay kahit karaniwang magsasaka ay pwedeng bumili.

Noel
Guest

Sir additional info lang po about sa seeds, available po ba sa philrice ang hybrid seeds and how
Much po per kilo? Thank you po.

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Noel, so far po ay wala pong available na hybrid dito sa PhilRice. pero ang price po nito ay P3816 ang 18kg(1 bag) kasya na po ito sa 1 ektarya.

marcelo
Guest

good eve po. halimbawa after ng harvest..at na cut na mga stems ng palay, pag pinabayaan ito ng ilang weeks namumunga uli ito, ang tawag sa amin dito ay salapi..ask lang po ..dapat pa ba abonohan ito uli para dumami ang bunga? or pabayaan na lamang mamunga uli ? at kung abonohan sya anong uri ng abono ang dapat isaboy sa salapi..urea ba?? triple 14? o potash..after harvest kasi namin tumutubo uli ang mga bagong bunga marami sya

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Marcelo, ang tinutukoy po ninyo ay ang tinatawag na ratoon o ratooning, dito po sa nueva ecija karaniwan po ay hndi na naglalagay pa ng pataba, pero kung nais na mas mahahaba ang butil pwede po kayong maglagay ng 1 bag na urea sa kada ektarya at panatilihin ang patubig sa inyong palayan.

marcelo
Guest

dyan po sa nueva ecija may idea po ba kayo kung ilan sacks kadalasan hina harvest pag ratooning after 2nd cropping? binibigay ko kasi sa mga taohan ko ang ratoon after harvest hindi ko alam kung ilang sacks yon hina harvest ,malayo kasi bahay namin sa farm namin kaya hindi ko alam kung ilan na harvest nila sa ratoon may idea po ba kayo sa per hectare? thnx

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Marcelo, actually indefinite po ang nagiging ani, hndi naman po kasi karaniwang practice dahil sa wlang tubig, usually po kung mganda po ang management ay nasa aabot ng 20-30 cavans sa kada ektarya.

mar
Guest

ano po ba kaibahan ng sulpato nitrogen, sa urea? pwedi po ba gamitin ang sulpato tuwing nagsusuwi na ang tanim na palay o naglilihi pwedi ba sulpato na lamang? kasi mura sya..samantala ang urea po mahal sya ano po ba mabuti ilagay sa tanim na palay ang sulpato o yong urea

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Mar, ang ammonium sulfate o 21-0-0-24S po ay mas mababa ang taglay nitong nitroheno dahil 21 % lang kumpara sa Urea o 46-0-0 na 46 %, kung ang concern lang po ay nitrogen mas makakamura po sa urea dahil 1 bag lamang nito ay katumbas ang mabibigay na nitroheno sa 2 bag na sulpato. pero kung ang lupa ay may kakulangan sa sulfur at masyado pang maberde ang palay sa lalo na sa panahon ng paglilihi ay mas mainam na sulpato nalang ang gamitin.

mar
Guest

ilang days po ba dapat mag abono after maglipat tanim,halimbawa nag lipat tanim kami ngayong araw ilang days pa ba hintayin bago mag abono TY

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Mar, ang rekomendasyon po ng pagpapataba sa lipat tanim ay 10 -14 araw matapos maglipat tanim.

Boyet ortega
Guest

GoodPM, 8dat n po ang palay ko at magsspray po sana kami ng herbicide, anong klase po n herbicide ang pwede ko p gamitin n hindi mkkaapekto s palay ko

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Boyet, ang mga herbicides po ay may 2 klase para sa palayan pwedeng gumamit ng mga pre emergent herbicide sa bagong tanim na palay(0-6 days)at ang post emergent herbicides naman kung mahigit 1 week ng nakatanim ang palay. Hindi po kasi kami nagrerekomenda ng mga brand names,madami naman po kayong pwedeng mapagpilian sa mga agri supplies.

Mario Samson
Guest

good day. bumili po ako ng Minus-one Element Kit sa Philrice NE at napansin ko lang na ang fertilizer recommendation (Recommendation Per Hectare) is for target yields of 5 tons for dry season and 4 tons for wet season. Paano po kung ang target yield ko eh 10 tons this dry season (hybrid po kasi tanim ko). Ano po ang gagawin kong adjustment?

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Mario maaari po kayong magdagdag ng pataba lalo na ng urea after 1st application then magdagdag din po ng 0-0-60 sa panahon ng paglilihi pra ma-optimize po ang paggawa ng pagkain kung mas mayayabng ang dahon ng inyong palay.

Alcer C. Altizon
Guest

Hello po ang palayan ko po ay sa occidental mindoro, papaano po ba makakabili ng binhi na galing sa Philrice. Pwede po ba akong pumunta sa Philrice office sa lugar para makabili ng binhi….salamat po

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Alcer, maaari po kayong bumili ng mga binhi sa PhilRice satelite station sa Sta Cruz Occ Mindoro, maaari po kayong makipag ugnayan sa 09081040855.Pwede rin naman po kayong bumili directly dto sa PhilRice Nueva Ecija.Makipag ugnayan lang po kayo sa PhilRice Text Center sa 09209111398.

jhong
Guest

magandang araw po ulit sir, ask ko lng kung magkano 1 cavan (40kilpos) certified inbred seeds sa office nyo. thnx

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Jhong,so far po ay wala kaming available na certified seeds,ang presyo po ng binhi ay depende sa seed class kung registered seeds ay P42.50/kg kung certified seeds ay P34/kg.

marcelo
Guest

hi po..yong tabi ng palayan namin nakabili ng binhi sa philrice..panglimang beses na nila paulit ulit na tinatanim..na ang binhi na naani nila ay ton tinatanim uli kada cropping, balak ko sana bumili sa kanila sa next cropping next year..eh pero nag aalangan ako kasi pang limang beses na nila ito natanim..ok pa po pa itanim ang inreed na ito? kahit pang lima na nila? hanggang ilang beses ba pwedi ulit ulitin itanim ang binhi na naani na..may narinig kasi ako sabi ng iba pag sobrang limang beses na ito nagamit dapat daw bumili uli ng bago registered seeds o… Read more »

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Marcelo, kung mahirap pong bumili ng mga high quality seeds ay pwede naman pong magproduce ulit sa dating tanim. Pero mas mainam po na magpalit ng binhi kapag 2 beses na itong naitanim, mas mainam po na bumili nalang kayo ng panibagong binhi. Pwede naman po kayong bumili tru online ng binhi dito sa amin, Magtext lang po kayo sa PhilRice Text Center sa 09209111398 kung paaano po ang arrangement sa payment at sa freight info.

Marvin
Guest
Marvin

Ano po ang pagkakaiba at proseso ng direct seeding at transplanting? salamat po

Pinoy Rice
Admin

hello sir marvin, ang direct seeding po ay direktang isinasabog or itinatanim sa lupa ang mga buto, samantalang ang transplanted ay kailangan pang ipunla ang mga buto para makapagproduce ng mga seedling bago ilipat tanim sa lupa.

1 14 15 16 17 18 49