Rice Talk

rice-talk-icon-questions-just-text-call-or-chat-us

Rice Talk

Questions on Rice? Chat with us!

1111
Leave a Reply

avatar
486 Comment threads
625 Thread replies
28 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
330 Comment authors
adminRemelyn ArevaloJosephChyJohn Recent comment authors
  Subscribe  
Notify of
gerry
Guest

Gud day po, ano po ba angpwedeng gawin kung sadyang madami angblack bugs sa palayan? 24 days p lang po ang palay mula pagkasabog tanim…kung ito po ba ay pwedeng bombahin ano po kaya ang marerekomenda nyong gamot n maaring gamitin…salamat po

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Gerry mahirap pong ikontrol ang mga rice black bug kung sobrang dami, mainam po na panatilihin ang malalim na tubig sa inyong palayan para hndi sila makapamahay sa ilalim ng puno ng palay. Kung nagpatubig at umakyat na sila sa dahon maaari din naman pong sprayhan ng lason gaya ng cypermithrin or lambda.Maaari din po kayong magsagawa ng light trapping kung kabilugan ng buwan dapat lamang po ay malayo sa palayan para hindi sila mamugad doon kapag araw.

marcelo
Guest

salamat makatuong ito ng malaki..may tanong po uli ako tungkol sa pag abono..inbreed po tinanim ko 1. sa sabog tanim ba ilang days dapat mag abono at ilang sacks per hectare pwedi ba yon triple 14 lang na puro na walang halong urea ?

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Marcelo,sa direct seeded rice mainam po na maglagay ng unang pataba sa 16-21 araw matapos magsabog tanim, mas mainam nga po ang triple 14 dahil hndi meron pa din nman pong Nitrogen at dahil bata pa ay kaunti pa lang po ang kaya nitong kainin.

marcelo
Guest

salamat marami ako natutunan,siguro sa mga nagbabasa din nito makabigay din ng idea sa kanila..may pahabol pa rin po akong tanung 1 .sa 2 and 1/2 hectares na lupa sa unang pag aabono sa 16 days ilang sacks po na triple 14 ang ilagay ko? pwedi po ba 5 sacks or mas mababa pa higit 2 hectares po 2.sa lugar namin ang dami white stem borer meron po ba kayong binhi na ma recommend na matibay at may resistensya laban sa stem borer 3.balak ko rin po maglagay ng granules laban sa stem borer..mga ilang months po ba dapat maglagay?… Read more »

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Marcelo,kung ssundin ang gen recommendation para sa 2.5 ha maari po kyong gumamit ng 10-12 sako ng 14-14-14.Kung problema ang stemborer mainam na makipagsabayan ng tanim sa inyong lugar para kalat ang peste ang ilan po na may tibay sa stemborer sa inbred varieties para sa bukiring may patubig: NSIC Rc122 (Angelica), Rc160, Rc158, Rc156, Rc152, at Rc150.Ilan sa mga hybrid na matibay sa stemborer ay Rc76,114,116,168,174,230,232.

marcelo
Guest

hi po, ano po ba gamot para sa white steamborer o tamasok halos wala na po akong ani dahil sa tamasok..at kung meron kailan po pwedi e apply sa palay ang gamot thnkx

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Marcelo.ang mga stemborer or tamasok po ay mahirap ikontrol. Mainam na imonitor pra malaman kung biglang dumami ang mga paru paru ng stemborer sila ay hindi pa makakpagbibigay ng damage, although kung mdami na sila ibig sabihin ay mangingitlog na ang mga ito, mainam na maghanap ng itlog at ilagay sa garapon, takpan at hintaying mapisa, kapag napisa na at madaming uod ang lumabas, kailangang magspray na din sa palayan sa loob ng 2 araw para tamaan pa ang mg auod dahil nsa labas pa ang mga ito.Ito po angtamang timing ng paglalagay ng lason laban sa tamasok.

Ryan
Guest

Saan po available yung Green Super Rice at anu po ang characteristicnito? Salamat po

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Ryan, Ang mga green super rice or GSR ay hndi pa po approved variety, wala pa kaming data sa mga ito dahil under field trials pa lang sila.so far po ang na approved na GSR lines ay ang NSIC Rc390 ( Salinas 19) at NSIC Rc392(Salinas 20).

roland
Guest

hello po sir gandang umaga po ask ko lang po kung pwede po sa lugar namin ang pagtatanim gamit ang sistemang aerobic rice technology at ano pong variety ang angkop sa ganitong paraan ng pagtatanim salamat po.

Pinoy Rice
Admin

Hello sir roland kung medyo upland area po ang inyong lugar ay pwede po kayong magtanim din ng mga aerobic rice or upland varieties, ilan po sa variety na approved for aerobic rice ay ang NSIC Rc9, Rc11, Rc23, Rc25, Rc27 at Rc29

Ed
Guest

Anong brand po ng drum seeder ang maganda, mura at pinakamatibay?

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Ed, actually ang drumseeder na ibinabenta po dto sa PhilRice ay mura at matibay ang available po dito sa PhilRice Nueva Ecija ay P8000/unit.gawa po ng INCA Plastics Inc.

Boyet ortega
Guest

Anong fungicide po ang pwede ko gamitin sa seed treatment?

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Boyet, kung ang problema ay sakit na dulot ng seedborne na sakit, any fungicides po ay pwede ninyong gamitin, ang ibang alternative po ay chlorox. ang 250 ml po ay pwede ihahalo sa 1 drum na tubig na pagbababaran.

gerry
Guest

Gudevevening po sir, may office po ba ang phil rice dito sa cavite?

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Gerry, sorry po wala po kaming branch sa Cavite, ang pinakamalapit po sa inyo ay ang PhilRice Los Banos.

crisanto s. arandia
Guest

Kung maglalagay ako ng 20 bags / ha ng chicken manure sa aking palayan, ilan sako po b ng synthetic fertilizer ang pwedeng mabawas sa aking ilalagay sa palayan ko?

Pinoy Rice
Admin

hello sir crisanto, actually depende po sa analysis ng chicken maunre, dahil kung ito po ang sources ng pataba ay kailangan ng 100-200 bags per ha. so pwede naman po na gamitin ang 80 % rate ng pataba ninyo.

jhon
Guest

Sir gud day po.sir ask Ku LNG po any start ng pglilihi at less 65 days as maturity date Parang Sabay LNG ng pagsusuwi sir.iba naman any nakalagay sa nutrient manager kasi sa DAT mguumpisa pero pgbinilang no sir at sapagsusuwi say mapupunta yung pglilihi as nutrient manager sir.

Pinoy Rice
Admin

hello sir John ang paglilihi po ay depende sa variety , tama po babawasan ng 65 days ang maturity at ang makukuha ay ang araw mula sa pagkakapunla, although meron pong ini-aallot na 7-10 araw pra sa recovery sa transplanting shock depende sa grabe ng pinsala.

1 12 13 14 15 16 49